Zoren at Carmina nag-aagawan sa trono ni Annabelle Rama

MANILA, Philippines - Naintindihan na ni

Zoren Legaspi

kung bakit over protective si

Annabelle Rama

kay

Ruffa Gu­tierrez

. Nakikita ng aktor na siya ang magi­ging lalaking version ni Annabelle once pasukin ng anak niyang babae na si

Cassandra

ang showbiz. Pero ayon kay

Car­mina Villarroel

nang makausap sa presscon ng Amazing

Cook­­ing Kids, “Excuse me! I will be the next Annabelle Rama, sabi ko kay Zoren. Hahaha! Kasi when I think all about it, iba ’pag nag-defend ka! Tahimik ka na lang. Pero ’pag daughter mo na, teka muna.” Sa kambal, ang babaeng anak ang nagmana sa kadaldalan ni Carmina. “Naku, ’Day, sumusuko na ako ’pag gabi. ‘Cassandra, please go to sleep now!’ Super daldal! Kung anu-ano ang ikinukuwento. Minsan, pinapatayan ko na ng ilaw. Nagtutulug-tulugan ako. Nagsasalita nang mag-isa. Kinakausap ang kanyang Barbie doll sa dilim.

“Kaya nang tinanggalan ng toys ni Zo­ren, para wala na siyang kausap, ang gi­na­wa niya kinausap niya ang kamay niya! May mga character ang mga kamay niya. ‘You know what? I read in this book, this is how to survive boredom.’ Sabi ko, patay na tayo, ‘Honey! May survival kit to boredom siya!’ Meron siyang mga how to survive although may fiction din siya,” masayang kuwento ni Carmina sa babaeng anak.

Anyway, sa July 16 na ang finale ng Amazing Cooking Kids bago ang Eat Bulaga at mala­la­man kung sino kina Duday, Angela, at Robin ang grand winner.

Young actor pumatol sa bading para makabayad sa tinitirhang condo

Nagkatotoo minsan sa situwasyon ng isang young actor ang biruan ng mga bading, “Ang lalaki, kapag nagigipit, sa bakla kumakapit!” Nagipit kasi minsan ang young actor at na-delay ang bayad niya sa kanyang condo. Nagpatulong sa isang kaibigan si young actor para makahanap ng pera.

That time kasi na nangailangan ng datung ang young actor, kapos siya sa trabaho at walang

re­gu­lar na show. 

Eh sa bading lumapit ang kaibigan ng young actor na mayaman. Kesa mapatalsik sa tinitirhang condo, nagpa-booking siya sa bading! Nakabayad naman siya sa kanyang condo at sa ngayon ay meron na siyang regular work kaya ayaw muna niyang pa-booking.

May maamong mukha ang young actor at yummy ang dating pero regular lang ang kanyang kargada.

Walang Pakialam Sa Hitsura, Kean respeto ang hinahanap sa babae

Game si Kean Cipriano ng bandang Callalily na ma-link kay Eugene Domingo na kapareha niya sa first indie movie niyang Ang Babae sa Septic Tank.

“Yeah why not?” prangkang sagot ni Kean nang makausap namin sa presscon.

“He rocks!” naman ang deskripsiyon ni Eugene sa kanya bilang kasama sa movie. Available ba ngayon ang bokalista at naghahanap? “Yes, I am! Ang corny ko naman kung sabihin kong hindi ako naghahanap ’di ba? Oo naman. ’Pag naman wala, naghahanap ka eh. ’Pag meron, naghahanap ka rin! Joke lang! Pero kung masyado mong seseryosohin lahat ng nangyayari ngayon, mababaliw lang

ako eh,” rason ni Kean.

First film ni Kean ang independent movie kay Eugene. “Yes, first movie. I was devirginized by this movie,” deklara niya.

Kumusta naman ang pagdi-devirginize sa kanya? “Ang sarap! Ang saya-saya! The thing is, I don’t really work. I just play. ’Yung una kabado ka kasi indie film. Pero pinakiramdaman ko at ayos, do it! Positive ’yung naramdaman namin, ’yung vibes namin, kaya positive ang reaksiyon ng mga tao,” balita ni Kean.

Pagdating sa babae, ang pagiging respectful nito ang hinahanap niyang ugali. “She knows how to respect me, my friends, my family. Physical? Basta attracted ako sa kanya. Kung anuman ang hitsura, hindi ko alam,” pahayag ng singer-actor.

Show comments