Manila, Philippines - Sasamahan ng madlang people si Kuya Kim ngayong Linggo (July 3), 9:30 a.m. sa kanyang pagtuklas sa iba’t ibang diskarte ng mga hayop para mabuhay, sa isa na namang exciting na adventure sa Matanglawin.
Talaga naman mapangahas at palaban ang mga miyembro ng animalandia dahil sa naiiba nilang survival skills tulad ng pebble toad na tatalon bigla sa bangin para ‘di makain ng tarantula. Buti na lang ay parang bola itong tumatalbog kaya pagbagsak niya sa lupa ay buhay pa rin siya.
Panlilinlang naman ang stratehiya ng slow loris, degu and elephant shrew na bagamat maliliit ay may taglay na lason o mabahong amoy para ipagtanggol ang mga sarili nila.
Gumana rin kaya ang kanilang mga diskarte para mabuhay sa mga tao? Sasagutin yan ni Kuya Kim sa experiment na isasagawa sa tulong ng taong bayan.