TV5 at MMDA nagsanib-puwersa

Manila, Philippines - Nagsanib-puwersa ang TV5 at MMDA (Metro Manila Development Authority) kamakailan upang ihatid sa publiko ang Metro Manila Traffic Navigator. Ito ay naglalayong mas mapadali at mas mapabilis ang paraan upang malaman ng publiko ang lagay ng trapiko sa Kamaynilaan sa pama­magitan ng pagbisita sa InterAksyon.com, ang online news portal ng TV5. Kabilang sa mga pumirma sa kasunduan sina TV5 News and Information Head Luchi Cruz-Valdes, MMDA Chairman Atty. Francis N. Tolentino, at TV5 President and CEO Atty. Ray C. Espinosa. Ang proyekto sa pagitan ng TV5 at MMDA ay alinsunod na rin sa mandato ni Pangulong Benigno Aquino III na palawigin pa ang mga programa sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) na magbebenepisyo sa publiko. Para sa mabilisang pagtaya sa lagay ng trapiko, bumisita sa Metro Manila Traffic Navigator sa http://mmdatraffic.interaksyon.com/

Show comments