Inamin ni Raymart Santiago na isa sa mga bida sa Futbolilits na mahilig siya sa sports. Kaya lang ang gusto niyang laro ay ’yung hindi siya naghihintay gaya ng basketball kung saan kailangang kumpleto ang koponan. Mas type niya ’yung swimming o biking.
Kapag napag-uusapan si Santino, anak nila ni Claudine Barretto na apat na taong gulang na ay tuwang-tuwa ito.
“Puro A kasi ang marka niya sa prep. Nag-aaral ito sa multiple intelligence at napakatalinong bata,” bida pa ng aktor.
Siya ang disciplinarian sa kanilang dalawa ni Claudine at sinabing napapalo niya ang dalawang anak na sina Sabina at Santino kapag nagsinungaling.
Naikuwento rin ni Raymart na nag-e-enjoy siya sa taping ng Futbolilits dahil puro bata ang kanyang mga kasama.
Sikat na komedyante mahilig mang-manyak sa taping
Inamin ng isang seksing aktres na kasama sa isang TV show na mahilig manantsing ang isang sikat na komedyante. Madalas kapag magkatabi sila ay panay ang hawak sa kanyang kamay at minsan sa kanyang bewang.
Aware naman siya na may pagka-pabling ang comedian noon pa man at kahit may anak ng dalaga sa isang aktres ay ’di pa rin nawawala ang pagkahilig sa magaganda at seksing mga artista.
Umiiwas na lang siyang makatabi ito kapag break sa shooting.
Malakas pa rin ang kanyang karisma at palabiro kaya marami pa rin ang nagkaka-crush sa komedyante.
Transformers pinipilahan!
Tatlong sunud-sunod na blockbuster ang mga pelikula ng United International Pictures at Solar Entertainment - Kung Fu Panda 2, Super 8, at ngayon ang Transformers na gumiba sa takilya sa opening day.
Higit na kapana-panabik na third offering : Transformers : Dark of the Moon. Mula pa rin ito sa parehong grupo na naghandog sa ating original live-action movie na Transformers.
Pinipilahan ito sa mga sinehan sa kasalukuyan.