Maricel hindi mahanap!

Nagtataka ako sa biglang paglitaw ng nega news tungkol kay Maricel Soriano. Masiglang-masigla at very positive ang aura ni Maricel nang mag-guest siya sa Party Pi­li­pinas kamakailan lang kaya nakakagulat ang mga tsismis na may bisyo siya at nanakit ng mga kasambahay.

Gustung-gusto ng mga reporters na makuha ang panig ni Maricel pero walang nakakaalam kung saan siya makokontak. Wala na ring komunikas­yon si Maricel sa mga tao na dating malalapit sa kanya.

Hindi ko rin alam ang contact number ni Maricel pero aware ako na nakatira siya sa Rockwell, Makati City. Wala namang reporter na maglalakas-loob na puntahan si Maricel sa condo unit nito sa Rockwell dahil hindi sila makakalusot sa mahigpit na security ng building.

I should know dahil kapag dinadalaw ko noon si Nanette Medved sa kanyang sosyal na condo unit sa Rockwell, tinatawagan pa siya ng mga security guards para sa proper clearance.

Nozomi fan na fan ni Charice

Tinulungan ko si Annie Ayroso na ipakilala sa entertainment press ang kanyang talent na si Nozomi Moriwaki.

Fourteen years old pa lang ang Fil-Japanese na nangangarap na maging singer sa Pilipinas.

Mahusay si Nozomi na magsalita ng Tagalog, English, at siyempre, ng Japanese dahil Hapon ang kanyang ama.

Pumapasok si Nozomi sa isang sosyal na private school pero hindi makakaapekto sa pag-aaral niya ang kanyang showbiz dreams.

Hindi puwedeng pagtaasan ng kilay ang bagets dahil si Vehnee Saturno lang naman ang composer ng mga kanta niya sa kanyang debut album.

Marami nang hit songs ang multi-awar­ded songwriter at hindi kumpleto ang singing career ng isang mang-aawit kung hindi sila naigagawa ni Vehnee ng kanta.

May anim na kanta ang debut album ni Nozomi na composition lahat ni Vehnee - Before I Reach Sixteen, Not Another Sad Song, Mali Pala, All I Wanna Do, You Were Right, at Crush Kita, Love Kita.

Big fan ni Charice si Nozomi. Kasama sa pangarap ni Nozomi na makilala nang personal ang international Pinay singer.

Inaalam ko nga ang pagbabalik ni Charice sa Pilipinas para ma-meet siya ni Nozomi. May balak ang GMA 7 na bigyan uli si Charice ng isang TV special at kapag natuloy ito, papupuntahin ko si Nozomi sa taping.

Mayor ng Davao parang si Pacman manuntok

Parang action movie ang napanood ko sa 24 Oras noong Biyernes ng gabi. Ang pagkakaiba lang, nangyari sa totoong buhay ang panununtok ni Davao City Mayor Sara Duterte kay Davao Regional Trial Court Sheriff Abe Andres.

Nakunan ng TV camera ang pangyayari kaya ito ang headline ng mga television news at diyaryo.

May mga humanga sa katapangan na ipinakita ni Inday Sara pero marami rin ang nadismaya dahil gumamit siya ng karahasan. Naawa ang mga tao kay Andres na nagkaroon ng black eye dahil sa malalakas na suntok ng matapang na mayor. May balita pang pinosasan din ang pobreng sheriff na tumutupad lamang sa kanyang tungkulin.

Ang eksena na mala-pelikula ang pinag-uusapan ng lahat at dahil sa ginawa ni Inday Sara, binansagan siya na babaeng Manny Pacquiao.

Nova hindi nababakante

Hindi nabakante si Nova Villa dahil nang matapos ang Nita Negrita, nabigyan agad siya ng bagong project, ang Futbolilits.

Mabait na lola ang role ni Nova sa Futbolilits. Sa lahat ng lola, si Mama Nova ang bagets looking dahil parang hindi nagkakaedad ang kanyang mukha. Very lucky si Mama Nova dahil nakakapamangka ito sa dalawang ilog, may regular show siya sa GMA 7, mainstay pa siya ng sitcom ng TV5.

Show comments