MANILA, Philippines - Humanada na sa pinaka-malaking pagbuhos ng mga naglalakihang bituin sa ASAP Rocks ngayong Linggo na pangungunahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, KC Concepcion at Gary Valenciano.
Makikanta habang umulan kasama ang ASAP Sessionistas, Champions Jed Madela, Erik Santos, Pilipinas Got Talent’s Season 2 grand winner Marcelito Pomoy, Vincent Bueno, Ney Dimaculangan at Gold Record awardee na si Toni Gonzaga.
Babagyo rin sa ASAP Rocks dancefloor sa paghataw nina Jhong Hilario, ang kauna-unahang ultimate Supahdancer na Camper’s Champs, Supahdance Krew na sina Gab Valenciano, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Maja Salvador, John Prats, birthday celebrators Iya Villania at Arron Villaflor. Makikisilong din si Cristine Reyes kasama ang buong cast ng bagong teleserye na Reputasyon.
Tuloy ang saya, umulan man o umaraw ngayong Linggo sa ASAP Rocks, 12:15 ng tanghali. Para sa karagdagang updates, litrato at upang magkaroon ng tsansang maka-hang out ng live kasama ang mga stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/ <http://asap.abs-cbn.com/> .