^

PSN Showbiz

Kris dedma kay Grace Lee

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nabago ang sleeping and waking up time ni Kris Aquino dahil sa talk show niyang Kris TV na umeere sa ABS-CBN, 9:30 a.m., Monday to Friday. By 10 p.m., tulog na siya at 6:00 a.m., gising na for another live episode ng kanyang talk show.

Natutuwa si Kris sa magandang feedback sa one-week old niyang Kris TV and more to come pa dahil maraming issues ang kanilang tatalakayin at tutulungang bigyan ng solution. Pero inamin nitong may mga sensitive issues silang iniiwasan, gaya ng Divorce Law.

Maganda naman ang sagot ni Kris sa pagkaka-link ni Presidente Noynoy Aquino kay Grace Lee na binigyan ng wrong interpretation ng iba. Sabi nito: “I saw the entire exchange, deadma ako. It’s his right. He’s not married. He’s single. Wala naman siyang sinabi kundi ‘guwapa.’”

Samantala, masayang ibinalita ni Kris na tuloy na ang movie nila ni Dingdong Dantes, ang Segunda Mano na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Bilang respeto, nagpaalam ang actor kay Atty. Felipe Gozon dahil co-producer ang Star Cine­ma sa nabanggit na pelikula.

“Pinayagan si Dingdong at ang hiningi lang nila, I’ll do a movie sa GMA Films in 2012. Okay naman dahil by that time, libre na akong gumawa ng movie outside Star Cinema. By July, magsu-shooting na kami kahit one day lang,” sabi ni Kris.

Mag-aaral ng swimming si Kris para sa Segunda Mano dahil may eksenang tatalon siya sa pool dahil ang ina niya sa movie ay itatapon mula sa 14th floor ng building.    

Pero maraming gamot na iniinom Jackielou idinenay ang grabeng sakit ni Pilita

Enjoy si Jackielou Blanco sa Esmeralda role niya sa Blusang Itim na kahit kontrabida ay hindi kaiinisan ng tao, kundi natatawa pa sa kanya. Kontrabidang may comic relief ang tawag niya sa kanyang role, kaya hindi siya nag-alangang tanggapin dahil na-i-imagine niya ang magiging dating sa tao.

Sa positive reaction ng mga TV viewers, agad napalitan ang worry niya na baka hindi siya matanggap sa kanyang role. Wala siyang peg sa karakter niya sa soap at sarili niya itong interpretation at thankful na nagugustuhan ng mga manonood.

Nilinaw ni Jackie ang kumalat na balitang may grabeng sakit ang inang si Pilita Corrales, nagka-vertigo ito at may heart con­dition pero under medi­cation at maraming gamot na iniinom.

Suportado rin ni Jackie ang pagpasok sa showbiz ng pamangking si Janine Gutierrez na ipinakilala sa Party Pilipinas last Sunday. Ang mom pa niya ang nag-voice lesson sa dalaga the day before at happy sila sa resulta sa first TV appearance nito.  

Chef na elementary lang ang natapos pinagluto na sina Queen Elizabeth, George Bush at Princess DianA

at Hindi lang magaling na chef si Pablo “Boy” Logro, showman din siya at may sense of humor, kaya mas enjoy ang mga manonood sa cooking show niyang Idol sa Kusina ng GMA News TV na magsisimula sa Sunday, 7:00 p.m.

Isa pang kakaiba kay Chef Boy, maraming alam na salita dala nang matagal niyang pagtatrabaho sa ibang bansa at pakikisalamuha sa different nationalities. Fluent siya sa Arabic at marunong ng Niponggo at French, ’di pa rin nakalilimutan ang Waray, pero aminadong limitado ang English dahil elementary lang ang natapos.

Kabilang sa napagsilbihan niya ay sina Queen Elizabeth, former US President George Bush at Princess Diana. Naalala pa nito ang na-order sa kanya ni Princess Diana na poached egg at salad.

vuukle comment

BLUSANG ITIM

BY JULY

CHEF BOY

DAHIL

DINGDONG DANTES

DIVORCE LAW

NIYA

PRINCESS DIANA

SEGUNDA MANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with