Derek panay ang pakiki-bonding kay Cristine
Nagsimula nang mag-shoot kamakailan ng pelikula mula sa Star Cinema sina Anne Curtis, Cristine Reyes, at Derek Ramsay. Naging malapit sa isa’t isa sina Derek at Cristine dahil habang naka-break sa shooting ay merong ginagawang bonding moments ang dalawa.
“Meron lang siyang mga questions about Twitter. Nag-a-ask lang siya. Mabait naman, gentleman,” kuwento ni Cristine.
Samantala, muling magtatambal sa isang teleserye sina Cristine at ang kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.
Komportable kaya ang aktres na makatrabaho ang kanyang nobyo sa isang proyekto?
“Okay naman kasi kasama mo ’yung special someone mo, happy naman. Komportable kasi ako kapag kasama ko siya.
“Abangan n’yo po kaming dalawa ni Rayver sa Reputasyon, sana magustuhan n’yo. Sobrang ganda ng story nito, malapit na po sa ABS-CBN,” paanyaya pa ng aktres.
Priscilla buntis lang ang pakiramdam
Kamakailan ay naikuwento ni John Estrada na nakakakita na siya ng mga senyales na posibleng buntis na ang asawang si Priscilla Meirelles. Hindi pa rin nakakapagpatingin si Priscilla sa isang OB gyne kaya hindi pa rin makumpirma ang tunay niyang kalagayan.
“Sabi ko sa kanya I was feeling weird but I didn’t confirm pero I told him, sobrang excited si John. ‘Please babe have yourself checked, gusto ko talagang malaman.’
“I’m not really planning for it. I believe that’s God’s time is the perfect time,” pahayag ni Priscilla.
Hindi pa man kumpirmado ay nakakaramdam na si Priscilla ng ilang signs kagaya ng morning sickness.
“Last week I did for two, three days, just really sleepy like going over twelve hours. I can’t stand up, so lazy and so sleepy. Aside from that, just getting really hungry. I just eat and then I’m hungry again. After an hour, I’m hungry again. So ’di ko alam talaga. Sabi ni John, ‘Babe I’m feeling sick also. Buntis ka?’ Sabi ko, that’s how bad you want me to be pregnant. ’Di ko alam kung psychological pregnancy or pregnancy talaga, but kahit ano we’re gonna find out and let you guys know,” natatawang sabi pa ni Priscilla.
Samantala, okay lamang sa kanya na magkatrabaho sina John at ang nagbabalik Kapamilyang si Janice de Belen sa isang proyekto.
“Sa akin walang problema. They had a past, it’s over na. I believe they both respect each other. In the future, kung meron silang project together and comfortable sila sa isa’t isa, why not? It’s really up to them. I don’t really mind. It’s work and I’m supportive of my husband,” paliwanag pa ni Priscilla. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest