Ricky Reyes Learning Institute hindi nagtataas ng tuition

MANILA, Philippines - Maraming lalake’t babae ang nangangarap magkaroon ng matatag na kabuhayan. Ang sikat na si Mader Ricky Reyes ay minsan ding nangarap na makapagpatayo ng isang beauty school at talagang nagsikap hanggang maitayo ang unang Ricky Reyes Learning Institute noong 2005.

Apat na ngayon ang RRLI na ang mga kurso tulad ng beauty care, housekeeping, waitering, cosmetology, atbp. ay accredited ng TESDA at ang enrolment ay araw-araw na walang tuition fee increase. Ang mga interesadong pumasok ay maaaring tumawag sa RRLI-Alabang (Tel. No. 842-6119), RRLI-Cubao (724-7740), RRLI-Manila (733-5162) at RRLI-Aurora (725-4959).

Nasa larawan si Mader, mga RRLI directors Baby Linda Capolino, Alan Sancho, Ildefonso Victoriano, Alma Dalipe at Roberto Ravalo at mga nagtapos sa RRLI sa commencement excersises na ginanap kamakailan. Ang beauty guru at founder ng eskwela ang personal na nag-abot ng certificate of completion sa mga graduates.

Show comments