Sa kabila ng pagiging isa sa tatlong hurado na hindi lamang pumipili ng winner sa Pilipinas Got Talent (PGT) kundi umiikot din sa buong bansa para maghanap ng contestant para sa talent search na isang franchise mula sa US na siya ring nasa likod ng mga matatagumpay na Got Talent series sa buong mundo, walang nagawa si AiAi delas Alas kundi hintayin ang pasya ng mga text voters sa katatapos na PGT na dalawang gabing ginanap sa Araneta Coliseum. Nanalo at tumanggap ng P2M ang Caviteñong si Marcelito Pomoy na may boses na kasing taas ng kay Regine Velasquez pero nakakakanta rin sa boses niyang lalaki. Nagawa niyang kantahin ang The Prayer gamit ang pinagsalit na boses ng isang lalaki at babae. Binigyan siya ng standing ovation ng audience after his performance.
Obviously the Comedy Concert Queen was siding with the tap dancing brother pair from Bukidnon, ang Happy Feet, na binilhan pa niya ng tig-isang pares ng sapatos na ginamit nila sa semi finals. She cried when they made it to the finals. Umiyak din siya nang maging runner-up sila pero mas malakas ang iyak niya dahil sa kanilang failure to win in the contest na agad-agad ay sisimulan na ang ikatlong series o season 3 sa ikalawang linggo ng July.
If I thought mahina ang mga singing contestants ng Season 2 nagkamali ako, dahil nanalo nga si Marcelito. I thought mas nakakalamang ang mga novelty acts (hulahoop ni Angel Calalas at magic ni Rico ng Caloocan) pero binigyang bigat pa rin ng mga manonood ang dual voice ni Marcelito who was luckier sa PGT kesa sa Talentadong Pinoy ng TV5 na una niyang sinalihan.
Ang galing ng mga hosts ng talent show na sina Luis Manzano and Billy Crawford. Wala si Luis sa performance night pero humabol ito sa results night. Na-miss ang kanyang absence sa kabila ng kagalingan nang humalili sa kanyang si Nikki Gil na hindi lamang magaling ding host kundi napakaganda pa rin. Ang ganda niyang tingnan sa stage suot ang kanyang electric blue na mini cocktail dress at glimmering high heels. Ang ganda nilang tingnan ni Billy.
Present din ang tatlong judges who came in formal wear on both occasions — coat and tie for Freddie M. Garcia at long gown kina Kris Aquino at AiAi.
Kasama ni Kris ang dalawa niyang anak, sina Joshua at Baby James na nakaupo kasama ng audience. Nagalit pa ang huli nang makipagbiruan si Kris sa isa sa mga grand finalists by saying she would marry him. Tinanong siguro si Kris ni Baby James kung mahal niya ito dahil sinabi niya sa microphone, “No, I don’t love him. It’s you that I love.”
AiAi proved na isa siyang great talent by doing the opening number sa results night where she displayed her flair for comedy. Ginaya niya ang lahat ng ginawa ng mga grand finalists, pole dancing, singing, doing the hulahoop, tap, and hip hop dancing. Nakakapagod na mga numbers ’yun complete with costume changes nang hindi siya umaalis ng stage. Pinalakpakan siya ng audience for her efforts.
Hiwalay na nga
Kambal na anak naiwan ng asawa kay Sen. Chiz
Pagdating talaga sa pagsasalita, napakahusay ni Sen. Chiz Escudero. Nagawa nitong bigyang linaw sa unang episode ng Kris TV ang nababalitang hiwalayan nila ng kanyang maybahay and at the same time not delving too much on the issue pero clear ang publiko na meron ngang problema sa pagitan nila na hindi dahilan para magkulang ang mga anak nila ng pagmamahal at atensiyon. Inamin din ng mahusay na senador na nasa poder niya ang mga bata.
Sa mga ganitong pag-uusap, maipagkakapuri mo naman si Kris dahil alam niyang alagaan ang damdamin ng kanyang guests, alam niya kung kelan siya dapat manghimasok o hindi. Sa kabila ng sinasabi nilang taklesa siya, nagagawa niyang maging mapanatag ang kanyang mga kinakausap. Sana lang all her guests ay kasing galing ni Sen. Chiz at may mga isyu na mabibigyan linaw sa kanyang programa.
Marami rin ang nakakita na may chemistry sina Sen. Chiz at Kris. Sana nga kung matuloy at hindi na maremedyuhan ang break-up ng marriage ng magaling na senador ay matuloy ang pagpapareha sa kanila ni Kris. Bagay sila, parehong matalino, at parehong mahal ng masa
The Library 26 years nang nagpapasaya
Biruin mo, nakaka-26 years na pala ang The Library na pinamumunuan ni Andrew de Real sa pagbibigay ng entertainment sa pamamagitan ng comedy at music. I used to frequent the place nang hindi pa ako lumilipat ng Novaliches. Ngayon nagagawi na lamang ako sa lugar nito sa Malate, Manila kapag iniimbita ako ng aking kaibigan sa panulat na si Rey Pumaloy na isa na sa mga performers dito. Pero everytime na manonood ako sa The Library, palagi akong umuuwing masaya at busog.
Sa The library nagsimula ang career nina AiAi delas Alas, Pooh, Arnel Ignacio, Allan K., Teri Onor, John Lapus, Wally Bayola, at marami pang iba.
Binabati ko si Mamu, tawag kay Andrew ng mga kaibigan niya, sa tagumpay ng The Library at sa patuloy niyang pagtuklas ng talento na pinakikinabangan sa industriya ng local entertainment.