^

PSN Showbiz

Bianca magsasalita sa mga pinagdaanang hirap

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Tuwang-tuwa si

Bianca King

dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maging bida sa

Sinner or Saint,

ang afternoon drama series ng

GMA 7

.

Happy si Bianca dahil napatunayan niya na puwede rin siyang gumanap sa mga api-apihang role. Hindi niya idine-deny na intimidated ang mga fans sa kanya dahil na-typecast siya sa mga papel na kontrabida.

Walang dahilan ang mga tagahanga para iwasan si Bianca dahil napa­kabait nito as in nakatungtong siya sa lupa.

Pumayag nga si Bianca na magkaroon ng tell-all interview sa YES! magazine para malaman ng publiko na mali ang kanilang akala tungkol sa kanyang pagkatao. Sasabihin niya sa mag ang lahat ng mga pagsubok at hirap na pinagdaanan sa showbiz.

Ang nanay ni Bianca ang unang natuwa nang malaman nito na bida na ang kanyang anak dahil ’yon ang katuparan ng pangarap niya.

’Yun nga lang, nakatira at nagtatrabaho na sa Canada ang mga magulang ni Bianca kaya hindi na nakaka-join sa taping ang kanyang mother dear.

Malapit nang makita ni Bianca ang ama at ina dahil may usapan sila na magtatagpo sa Los Angeles sa August. Three years nang hindi nakikita ni Bianca ang kanyang mga magulang.

Rap kakaiba ang talino sa arts at philosophy

Si Rudy Fernandez ang naalaala ko habang pinapanood ko sa The Buzz noong Linggo ang guesting ng kanyang mga anak na sina Rap at Renz.

Habang tumatagal, lalong nagiging kamukha ni Daboy si Rap at kuhang-kuha naman ni Renz ang kanyang boses at sense of humor.

Likas na masayahin at palabiro si Daboy. Ang kanyang ugali ang namana ng husto ni Renz dahil may pagkaseryoso si Rap.

Totoo ang sinabi ni Renz na mas matalino ang kanyang kuya dahil kakaiba ang intelligence ni Rap. Marami siyang alam tungkol sa arts and philosophy. Kung Twitter follower kayo ni Rap, malalaman ninyo ang aking ibig sabihin.

Rocco Nacino cover boy na

Proud si Rocco Nacino dahil siya ang cover boy ng July 2011 issue ng Men’s Health Magazine.

Kung hindi ako nagkakamali, first time ni Rocco na maging cover ng isang health magazine kaya ipapainterbyu siya ng GMA Artist Center tungkol sa kanyang bagong achievement.

Pakikiramay kina Lloyd Samartino at ex-President Ramos

Nakikiramay ako kay Lloyd Samartino dahil sa pagpanaw ng kanyang ex-wife na si Jo Ramos.

Condolence rin kay ex-President Fidel V. Ramos at First Lady Ming Ramos.

Lung cancer ang ikinamatay ni Jo sa isang Metro Manila hospital. Mabilis na kumalat ang balita kahapon ng umaga dahil kilala si Jo sa mundo ng showbiz at pulitika.

Singer si Jo at member siya ng Powerplay band. Active si Jo sa pagkanta, bago naging pangulo ng Pilipinas ang kanyang ama.

Young actress na nabuntis

ayaw pang umamin

Anak ng isang kilalang tao ang itinuturo na ama ng ipinagbubuntis diumano ng aktres. May diumano ang aking report dahil hindi pa nagsasalita ang aktres tungkol sa kanyang tunay na kalagayan.

Hangga’t walang ibinibigay na kumpirmasyon ang aktres at ang kanyang kampo, mananatiling pahulaan ang isyu na buntis siya.

ARTIST CENTER

BIANCA

BIANCA KING

DABOY

DAHIL

KANYANG

LLOYD SAMARTINO

RENZ

ROCCO NACINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with