MANILA, Philippines - Iwawasiwas ng ASAP Rocks ang ASAP Kadabra ngayong Linggo ang pagdiriwang ng ika-18 taong anibersaryo ng Star Magic Philippines kasama ang mahigit kumulang na isandaang naglalakihang artista na pangungunahan nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Diether Ocampo, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Gerald Anderson, Kim Chiu, Zanjoe Marudo, Enchong Dee, Erich Gonzales, Jodi Sta Maria, Matteo Guidicelli, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Pokwang, Melai Cantiveros, Julia Montes, Kathryn Bernardo, Diego Loyzaga, Albie Casino, Lauren Young, JM Guzman, Ejay Falcon, Empress, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at Coco Martin.
Mamamangha ang lahat sa enggrandeng paglulunsad ng Star Magic all-star music video na idinerehe ni Paul Soriano, sa komposisyon ni Yeng Constantino at inareglo ni Marvin Querido.
Isang kagila-gilalas na pagsalubong ang igagawad ng ASAP’s Supahjudges na sina Billy Crawford, Jhong Hilario, Teacher Georcelle ng G Force, UD4, Supahdance Krew, SupahKids, Dance Quad, at Gary Valenciano para sa kauna-unahang tatanghalin na ASAP Supahdancer.
Nakakagitlang pagtatanghal naman ang hatid nina Cristine Reyes, Gab Valenciano, ASAP Sessionistas, at Jericho Rosales.
Musika, mahika, at marami pang sorpresa ngayong Linggo, 12:15 p.m.