MANILA, Philippines - Laking tuwa ng mga mamamayan ng Rosario at mga kalapit na bayan ng Batangas nang ganapin ang qualifying tournament ng TRUST Bunong Braso Challenge sa kanilang poblacion noong ika-11 ng Hunyo, kasabay ng pagdiriwang ng foundation day ng bayan ng Rosario.
Sa pagdayo sa Rosario ng tropa ng TRUST Quality Condoms sa pangunguna ng host na si DJ Marf ng 99.5 RT, ipinamalas ng mga Batangenyo ang sing-init ng kapeng barakong pag-welcome nila, pati na sa mascot na si Super TRUST na game na game na nakipagsaya at nakipiyesta, at inaasahang dadalo sa mga susunod pang dadayuhin ng TRUST Nationwide Bunong Braso Challenge.
Sa huli, naging kampeon sina Jeffrey “Togtog” Organo sa lightweight division, at Ryan “Resbak” Linga sa heavyweight division. Second placers sina Daniel “McDanelee” Inandan (lightweight division) at Florentino “Idol” Labanon (heavyweight division), at third placers sina Jayson “Joko” Ramos (lightweight) at Ariel “Toro” Barcelona (heavyweight).
Sina Organo at Inandan sa lightweight division, at Linga at Labanon naman sa heavyweight, kasama ang lahat ng top 2 winners sa iba pang lugar na pinagdausan ng TRUST Bunong Braso Challenge Nationwide tour, ay maghaharap-harap sa grand championship round na gaganapin sa Agosto 6 sa Metro Manila. Ang mananalong overall Grand Champions sa bawat dibisyon ay makakamit ang premyong P100,000.00.
Ang naganap na qualifying round sa Batangas ay ikalima sa walong lugar na pagdarausan ng Nationwide TRUST Bunong Braso Challenge.
Sa mga kalalakihang may edad 18 pataas na gusto ng karagdagang detalye at iba pang impormasyon kung paano sumali, maaari kayong mag-text o tumawag sa mga numerong (0917)909-9090 para sa Globe at Touch Mobile subscribers; (0949)323-6788 para sa Smart at Talk n Text, at (0932)527-4228 para sa Sun Cellular Subscribers o sumulat sa email address na mailto:trust_bbc@yahoo.com.