Inatake si Edu Manzano ng hika bago kami isalang sa taping ng Family Feud na nag-ere last Thursday.
Kaya pala may mga oras na parang barado ng sipon ang ilong niya, ‘yun pala ang dahilan.
Dalawang taon na raw siyang nakakaranas ng atake ng hika na nakuha lang niya sa maruming pollution natin sa kapaligiran.
Pero may dinaramdam man, tuloy ang trabaho ni Edu. Parang wala lang at sisiw na sa kanya ang pagho-host ng game show. Palibhasa, expert na sa ganitong trabaho. Kahit yata nakapikit, puwede na siyang mag-host na walang script.
Nung time na nag-taping kami with Dondon Sermino of Abante, Linda Rapadas (Bulgar) and Eugene Asis of People’s Journal, para sa limang episode ang gagawin nila. At may time limit sila dahil may gagamit na ng studio na pinagti-tapingan nila.
Anyway, happy ang staff ng Family Feud dahil mataas ang rating nila. Nagkaroon dati ng issue na tsutsugihin na ang programa. Pero hindi naman pala. Paano mo nga namang tsutsugihin ang programa kung nagri-rate. Saka kung mag-uumpisa na naman sila ng panibago, mag-i-experiment na naman sila.
At masaya pala sa taping ng programa. Mataas ang energy at madaling manalo ‘wag lang mataranta. Hahaha.
* * *
Itsapuwera pala si Direk Wenn Deramas sa pelikulang Enteng ng Ina Mo na isa sa walong kasali sa 2011 Metro Manila Film Festival. Yup, si Direk Wenn na siyang nag-umpisa ng Tanging Ina Mo. Balita kasing si Direk Tony Reyes ang magdidirek ng pelikulang pagsasamahan nina Vic Sotto and AiAi delas Alas for the first time.
Hmmm, bakit kaya hindi siya ipinaglaban nina AiAi at ng Star Cinema?
Kaya maraming nagtatanong kung anong nangyari.
Ayon sa isang source, sa umpisa raw talaga ng project dalawa ang planong director ng pelikula – sina Direk Wenn at Direk Tony, pero ang ending, si Direk Tony na lang na mag-isa ang hahawak na in fairness ay ipinaalam naman daw sa kampo ni Direk Wenn.
Hanggang ngayon ay naghahakot ng awards ang Tanging Ina Mo Last Na ‘To na pinagsamahan nina AiAi at Direk Wenn sa 2010 MMFF.
Hindi kaya sila afraid na mawala ang touch ni Direk Wenn sa pelikula? Kasi iba pa rin ang atake siyempre kung kasama siya sa magdidirek.
Definitely magkaiba ang style nina Direk Wenn at Direk Tony.