Produ ng Temptation nakialam na sa awayang Marian at Heart

MANILA, Philippines - Naglabas ng statement ang producer ng Temptation Island sa lumalang away nina Marian Rivera at Heart Evangelista na kasalukuyang nasa bakasyon sa Brazil.

“GMA Films and Regal Entertainment acknowledge that there was a recent incident involving Marian Rivera and Heart Evangelista that happened during the shooting of Temptation Island in Laoag, Ilocos Norte. This unfortunate matter caused stress to both Marian and Heart and Heart made this known to her parents.

“However, the production team intervened and was able to handle the situation. Both Marian and Heart tried to put the issue behind them.

“The producers would like to assure the fans that this minor incident did not in any way affect the shooting of Temptation Island and also request all their supporters and followers to put a closure to this episode.

“We are excited for the showing of the movie and we encourage all the fans and moviegoers to watch the film on July 6.”

Na-divert na kasi ang promo ng pelikula sa naturang naging away ng dalawang bida ng pelikula. Hindi masyadong napag-uusapan ang mismong pelikula at ilang co-stars nila dahil nga sa away na isang malaking issue ngayon sa showbiz dahil walang kaintri-intriga ngayon na puwedeng pag-usapan.

Hindi nilamig

Last Thursday ay nag-presscon para sa pelikula at kahit bumabagyo-bagyo, ang si-sexy nila. Lalo na si Rufa Mae Quinto na short-shorts ang suot plus ang top niya ay super sexy at may butas pa sa likuran. Ang lamig kaya.

Anyway, sa July 6 na ang showing ng pelikula.

Kaseksihan ng isang aktres hindi na ma-appreciate ng editor

Short na kuwento lang:

Binulungan ako ng isang entertainment editor na hindi bading ha. “Bakit ganun parang wala akong nararamdaman sa kanya kahit ang seksi niya. Parang wala lang,” say niya habang nakatingin sa isang aktres na super sexy ang outfit sa isang event na ginanap kamakailan lang.

Kahit anong sexy nito, parang umay na raw siya.

Pakiramdam din daw niya dumaan na ang nasabing aktres sa ‘maraming relasyon’ kaya ganun ang feeling niya.

Oh well expert ang editor na ito sa pagsipat ng mga magaganda kaya siguradong tama ang pakiramdam niya.

Sen. Chiz nagpa-impress sa pagluluto kay Kris

Ipinagmamalaki ng ABS-CBN ang pagbabalik ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa TV - sa isang pinakabagong daily, open format talk show na Kris TV simula Lunes (June 27). Mapapanood sa programa ni Kris ang iba’t ibang paksa mula sa mga uso, praktikal na tips pagdating sa bahay, kuwentuhan kasama ang pinaka-sikat na celebrities, musika, pamilya at relasyon.

Bibigyang solusyon din ng Kris TV ang lahat ng pangangailangan ng manonood mula sa beauty at fashion tips, pagluluto, negosyo, relasyon at pag-ibig, pamilya at magulang concerns, mga homemaking, fitness at health tips.

Lalabas na naman sa programa ang pagiging prangka, masiyahin, tapat at may kabuluhan na mga sinasabi ni Kris.

Bilang buwena mano, makaka-bonding ni Kris sa kanyang unang episode si Senator Chiz Escudero. Matagal nang nali-link sina Kris at Sen. Chiz at hintayin natin kung may mga bagong malalantad sa aspeto ng kanyang pagkatao at pagkalalaki na lingid sa kaalaman ng marami.

Ibabahagi rin ni Sen. Chiz ang kakaibang hilig sa household chores at iba’t ibang handyman activities. Ikagugulat din ng marami ang kahusayan niya sa pagluluto, kasabay ng pagtuturo niya ng kanyang special adobo rice recipe. Ipaparanas at ipapakita niya rin kay Kris kung paano ang tamang pagtatanim ng mga fruit-bearing trees.

Bilang host, ilalabas ni Kris ang ‘bida’ sa bawat tao, mapa-artista man o ordinaryong tao sa kanyang bagong programa. Ipapakita niya sa lahat na meron tayong kani-kaniyang kakayahang maging matagumpay o masaya sa buhay.

Sabi nga ng Queen of All Media, ‘‘Magsasama na naman tayo para sa isang bagong araw, bagong kuwentuhan, bagong karanasan. Ang bida sa programang ito ay ikaw.’’

Samahan siya Kris TV simula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 a.m. bago mag-Showtime.

Show comments