Nililigawan ng Regal Entertainment, Inc. si Robin Padilla para sa Valentine movie next year.
Nakipagmiting na si Roselle Monteverde-Teo sa aktor at mukhang solved siya sa project.
Balitang si Marian Rivera ang magiging kapareha ni Binoe sa movie niya sa Regal kaya naman abangan ang magiging reaksiyon ni Mariel Rodriguez sa pagsasama ng dalawa.
Movie nina Dingdong at Kris may humaharang
Nakapag-first shooting day na si Dingdong Dantes ng pelikulang Aswang ng Regal nung Lunes. Kapareha ni Dong sa movie si Lovi Poe na agad sumabak sa bagong project matapos mag-last shooting day ang Temptation Island nung Linggo.
Mula sa direksiyon ni Erik Matti, isang malaking warehouse sa Taguig City ang pina-construct ng Regal upang gawing studio nang sa gayon kahit bumabagyo ay puwedeng mag-shooting ng movie.
’Pag natuloy, ang Aswang ang kauna-unahang local movie (na hindi cartoon) shot in 3D! Teka, sa pagisisimula ni Dingdong ng horror flick, may oras pa ba siya sa filmfest movie nila ni Kris Aquino? May tsismis kasing may humaharang sa pagsasama nilang dalawa.
Eugene lagare sa pagtanggap ng awards
Lumagare talaga si Eugene Domingo nung Martes ng gabi sa dalawang awards night sa Resorts World Hotel. Una muna niyang pinuntahan sa Republiq ang first Yahoo OMG Awards at pagkakuha ng Funniest Comedienne Award, umakyat naman siya para sa Star Awards for Movies kung saan winner siya ng best supporting actress para sa pelikulang Ang Tanging Ina Mo Last Na ’To.
“Akala nga nila hindi ako darating eh alas siyete pa lang, nandoon na ako sa Resorts World. Kasi ayokong ma-traffic. So stay muna ako sa Star Awards eh technical awards ’yung first part, so on call ako.
“So nang tanggapin ko ang funniest comedienne, ang saya-saya! Natuwa ako. Sabi ni Chris Martinez, sabihin ko na ‘May tao pala rito sa Yahoo. Akala ko computer lang ito.’
“Sabi ko sa kanila, pupunta ako sa Yahoo ’cause I read my horoscope. At sabi sa horoscope ko, I will receive something big at the end of this month. Sabi ko, ‘This is it!’ So, tuwang-tuwa naman ang taga-Yahoo.
“’Tapos nagmamadali ako kasi movie supporting actress na ang kategorya sa itaas.
“Katabi ko si Direk Wenn (Deramas) at nakikipagkuwentuhan pa ako sa kanya. Kasi at this point, hindi naman sa binabalandra ko, nabigyan ka na ng pagkakataong manalo, natalo ka na rin. So at this point, matalo ka man, tuwang-tuwa ka na eh. Nakasama ka sa listahan. Sa rami ng artista, sa rami ng nabibigyan ng magagandang role matuwa ka na at nabibigyan ka ng pelikula.
“So, ’pag tinatanong kung kinakabahan ako, okay lang ba na matalo ako o manalo, ang sagot ko diyan, ‘I’m just here to enjoy!’ After all the hard work, harvest time na ’yan ’di ba? Minsan ang naaani mo, hitik na hitik. Minsan, tama lang.
“Basta tapos na ang hard work. It’s time to enjoy!” mahabang kuwento ni Uge nang makausap namin sa taping ng Comedy Bar.