Geneva Cruz nanalong pinakaseksing vegetarian sa 'Pinas

MANILA, Philippines - Tinanghal na pinakaseksing vegetarian sa Pilipinas ang singer at aktres na si Geneva Cruz ngayong taong ito.

Iginawad kay Geneva ang korona matapos siyang manalo sa botohang isinagawa ng PETAAsiaPacific.com para sa 2011.

Tinalo ni Geneva ang kilalang personalidad at miyembro ng bandang Delara na si Lougee Basabas. Kabilang pa sa naungusan niya ay sina Yasmien Kurdi, Chin-Chin Gutierrez, at Raymond Bagatsing, ang aktres na si Alicia Mayer, at international stars na sina Natalie Portman, Hayden Panettiere, Russell Brand, at Leona Lewis.

Naging vegetarian si Geneva mula pa noong 15 anyos siya pagkatapos kuhanan ang isang patalastas para sa shampoo kasama ang mga hayop sa kanilang natural na tirahan.

Show comments