Noong Sabado ay naikuwento ni John Estrada sa Happy Yipee Yehey na mukhang may senyales na raw na buntis na ang asawang si Priscilla Meirelles. “Umuwi ako galing taping, sabi ng asawa ko, Babe parang I feel not good. Why? I think I’m pregnant,” masayang pahayag ni John.
Hindi pa rin nakakapagpa-checkup sa doktor si Priscilla kaya hindi pa rin makumpirma ng mag-asawa kung ano ang tunay na kalagayan. “Wala pa, plano niya next week, kasi ‘yung OB gyne out of the country yata. Sabi ko sa kanya, babe just buy ‘yung pregnancy kit. Sabi niya, no, just wait for the doctor. Hindi pa man kumpirmadong buntis si Priscilla ay may mga napapansin na raw si John na ilang mga bagay sa kanyang asawa. “Parang parati niyang gustong masuka. Very sensitive siya kapag nanood kami ng TV or movies sa bahay, bigla siyang umiiyak kaagad, it’s not her normal eh. Ako rin sa taping masama ang pakiramdam ko, ganun daw kapag nahahakbangan ng asawa ‘di ba?” kuwento pa ng aktor.
Ano kayang gender ang gusto ni John para sa magiging anak nila ni Priscilla? “Sabi ko sa asawa ko, I want a boy kasi ‘yung anak kong si Yuan, he wants to be a brother to a boy daw. Saka tatlo na ‘yung babae ko eh.
“Excited siyempre! Honestly gusto talaga naming planuhin ito, plano namin next year pa. A kid is always a blessing, I hope she’s pregnant, excited ako,” dagdag pa ni John.
Samantala, ngayong Kapamilya na rin si Janice de Belen ay marami ang nagtatanong kung ano ang reaksiyon ni John tungkol dito.
Ano kaya ang mangyayari kapag nagkita o nagkasalubong sa network ang dating mag-asawa? “I’m excited and I’m happy for her, alam ko dito nagsimula si Janice. I welcome her with open arms. Wala naman kaming problema, she’s the mother of my kids and I thank her for that, she’s a good mom. Of course welcome na welcome siya, please pass by Happy Yipee Yehey to promote Budoy, daan ka rito sa amin,” pagtatapos ni John.
Mariel natakot kay Direk Deo Fajardo
Kamakailan ay nakilala na ni Mariel Rodriguez ang isa sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay ng kanyang asawang si Robin Padilla, si Direk Deo Fajardo. Ang direktor kasi ang naka-diskubre kay Robin kaya ito nakapasok sa showbusiness. Masayang-masaya si Mariel na nakilala niya si Direk Deo. “From the start na mag-asawa kami ni Robin, I would always ask about Direk Deo Fajardo kasi siya talaga ‘yung maraming kuwento ni Robin. Masaya ako, finally nakilala ko siya. Akala ko masungit siya. Sobrang mataas ang standards for me ni Dikong. Sobrang perfectionist siya parang si Robin, so kinakabahan ako nung una. Normal naman for people not to like me at first, sanay naman ako dun ha! ha! ha! so ni-like naman niya ako kaagad. Thank you so much for saying na he likes me for Robin. Thank you so much, sobra akong na-touch,” masayang kuwento ni Mariel. Reports from JAMES C CANTOS