Certified Kapamilya stars na ang magkapatid na Rap at Renz Fernandez dahil pumirma na sila ng kontrata noong Martes.
Kasama ng magkapatid sa contract signing ang kanilang loving mother na si Lorna Tolentino.
Magka-level na kami ni LT dahil hindi man ako naging best actress, manager na rin siya dahil siya ang in-charge sa showbiz career ng kanyang mga anak.
Consultant lang ang aking participation. Nagkita muna kami ng mag-iina bago sila pumunta sa ABS-CBN.
Barrakz ginigiba na, mga artistang investor walang nakuha kahit singko sa kanilang P1 million
Ginigiba na pala ang building ng Barrakz sa Morato Avenue dahil nadaanan ko ito nang mag-meeting kami ng Fernandez family.
Alam kaya ng mga artista na nag-invest sa Barrakz na giniba na ito? Ang dinig ko, nag-e-emote ang mga investor dahil walang bumalik sa halos isang milyon na puhunan na inilagay nila sa Barrakz.
‘Yan ang risk kapag nakipagsosyo sa business. May mga magkakaibigan na nagiging mortal enemies kapag hindi successful ang negosyo na kanilang ipinasok.
Kung ako man ang nasa lugar ng mga investor, malulungkot at mag-e-emote ako dahil hindi bumalik ang aking share.
Isang bahay at lote na sa isang probinsiya ang katumbas ng isang milyong piso ‘huh!
Glydel hindi pumapalya sa taping kahit buntis
Bilib ako sa sipag ni Glydel Mercado. Itsurang buntis siya sa second baby nila ni Tonton Gutierrez, hindi siya pumapalya sa taping ng Binondo Girl, kahit hating-gabi ang calltime.
Napaka-professional na artista ni Glydel kaya hindi siya nawawalan ng mga project sa TV. Marunong siyang makisama at never na nagbigay ng problema sa mga katrabaho.
Maganda ang role ni Glydel sa Binondo Girl, ang bagong primetime show ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Kim Chiu.
Kasama sa cast ng Binondo Girl sina AiAi delas Alas at Jolo Revilla.
Sa title pa lang, obvious na Fil-Chinese girl ang role ni Kim sa Binondo Girl.
‘Mahal ko ang Startalk’
Niyayaya ako ni Willie Revillame na sumama sa show ng Wil Time Bigtime sa Cebu City sa Sabado para makasakay daw ako sa kanyang private plane.
Kahit bayaran ni Willie ang talent fee ko sa Startalk, hindi ako sasama sa kanya dahil mahal ko ang aming show. Hindi ko pinangarap na mawalan ng show dahil sa paglalamyerda.
May OPM si Willie sa akin na isasama niya ako sa Macau at Australia, sakay ng kanyang private plane. ‘Yon na lang ang hihintayin ko na matupad pero may kundisyon, kailangang walang conflict sa Startalk ang pagpunta namin sa abroad.
Ruffa sa Singapore magbi-birthday
Bukas na ang birthday ni Ruffa Gutierrez at pupunta siya sa Singapore para mag-celebrate.
June 24 ang birthday ni Ruffa at pista ito ni St. John, The Baptist kaya walang pasok sa Maynila at San Juan. Si St. John The Baptist ang patron saint ng Maynila at San Juan.
Pagkatapos ng bakasyon niya sa Singapore, lilipad si Ruffa sa Amerika sa susunod na buwan, kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice.
Bakasyon sa school ang mga bagets hanggang August kaya ipapasyal sila ni Ruffa sa US.