Prince kabisado ang kanta ng mga gay impersonator

PIK: Umalis na nung Lunes ng umaga ang magdyowang Daniel Matsunaga at Heart Evangelista.

Kahit anong kulit ng mga reporter sa kanila na i-cover ang kanilang pag-alis, hindi sila sumasagot.

Mukhang ayaw na nilang sagutin pa ang isyung kinasangkutan ni Heart at Marian Rivera.

Isa sa mga huling post nito sa kanyang Twitter account : “Just finished dubbing For temptation Island...the best:) galing lahat:) go away negati­vity:) peace na lang sa lahat:) heartworld ok na:)”

Iniiwasan na lang nilang mag­pa­ka-nega dahil inaasahan nilang magiging masaya ang kanilang bakasyon.

Mukha namang ini-enjoy na nila, base sa latest tweet ni Da­niel nang nag-stop over sila sa Hong Kong : “I am here with my baby tchuthut @heart021485 In the airport of Hong Kong eating some sandwiches while waiting for our boarding time :)”

PAK : Tumaas ang kilay ng ilang kabadingan nang magpa-interview si Prince Stefan at itinatanggi ang isyu ng pagiging bading.

May mga naglalabasan pa kasing isyung nali-link pa rin ito sa ilang ba­ding at ang latest na narinig namin ay kay Toffee Calma.

Ewan ko kung totoong kabisado pa raw nito ang karamihang kanta ni Diana Ross at Gloria Gaynor na paboritong kinakanta ng mga gay impersonators.

BOOM : Pinalitan na ni Iwa Moto ang kanyang Twitter account dahil na-hack daw ito.

Ang isa sa mga huling tweet nito ay parang tinutukoy si Mickey Ablan na tila gusto niyang makipagbalikan.

Pero sa bago niyang Twitter account meron pa rin siyang mga ipinu-post na nahihirapan na raw siya sa kalagayan niya.

Meron siyang tweet na : “Wala aqng kwentang tao!! Nawala ung taong mahal aq dahil gago aq!!! Mali q lahat.”

Hindi pinapansin ni Mickey ang mga ipinu-post nito at meron lang siyang tweet na obvious kay Iwa ito tinutukoy.

“Having a twitter account comes with great responsibility..’be responsible with ur tweets.”

Maaring kay Janna Dominguez na naka-focus si Mickey kaya hindi na nito pinapansin ang pag-e-emote ni Iwa sa   Twitter. 

Show comments