Alessandra namroblema sa pera
Hindi ikinakaila ni Alessandra de Rossi na dumaan din siya sa financial crisis nung panahong wala siyang trabaho pero hindi naman umano ito umabot na naghihikahos na siya. Nagkataon lamang na may bahay siyang hinuhulugan at wala siyang regular income kaya nagkakaroon siya ng delay sa pagbabayad. Pero sa awa naman ng Diyos ay unti-unti siyang nakaka-recover.
Isa si Alex sa maituturing na magagaling na aktres sa kanyang henerasyon kaya mahirap ang tulad niya ang mawalan ng trabaho.
Vice Ganda umaapaw ang energy
Last May 22 lamang nagsimula ang lingguhang programa ni Vice Ganda sa ABS-CBN, ang Gandang Gabi, Vice pero patuloy itong humahataw sa ratings, isang indikasyon na kaya ng singer-comedian na magdala ng sarili niyang show matapos itong makilala ng husto sa daily morning program na Showtime.
Had a chance na mapanood ang first taping day ng Gandang Gabi, Vice sa studio mismo ng ABS-CBN at sa simula pa lamang ay kitang-kita namin ang energy na ipinakita ng alaga ni Ogie Diaz.
Hindi lamang magaling kumanta at mag-judge (sa Showtime) si Vice Ganda kundi isa talaga siyang natural comedian and true entertainer.
Britney Spears magpapakasal
uli, pangatlong beses na
Alam mo, Salve A., sa ikatlong pagkakataon, mukhang magpapakasal na naman ang pop star na si Britney Spears dahil nag-propose na sa kanya ang kanyang boyfriend na isang talent manager na si Jason Trawick.
Si Britney ay may dalawang anak sa ikalawa niyang mister na si Kevin Federline – sina Sean Preston (5) at Jayden James (4). Plano rin ni Britney na magkaanak sa kanyang soon-to-be-husband na si Jason.
Si Britney ay 29 at 35 naman si Jason.
Cesar pinalalabas na pabayang ama ni Teresa?
Kung si Cesar Montano lamang ang nasunod, ayaw sana muna niyang mag-showbiz ang anak kay Teresa Loyzaga na si Diego dahil gusto nitong pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral.
Nang bumalik ng Pilipinas si Diego, sa mag-asawang Cesar at Sunshine Cruz ito nakatira pero nang pumasok ang bagets sa showbiz umalis ito sa poder ng mag-asawa at lumipat sa tiyahin nitong si Bing Loyzaga. Desisyon ito ni Diego at ng kanyang inang si Teresa kaya walang nagawa si Cesar.
Ngayon, pinalalabas na isang pabayang ama si Cesar just because hindi mabigyan ng sariling sasakyan ang anak na kung tutuusin ay 16 years old pa lamang, bagay na ikinasasama ng loob ng ama.
Kilala namin ang pagiging isang responsableng ama ni Buboy sa kanyang mga anak. Gusto ni Buboy na mag-aral at magtapos si Diego bago mag-showbiz, pero hindi siya ang nasunod. Nag-showbiz si Diego na walang consent ang tatay nito at ngayon naman ay pinaparatangan nang pabayang ama.
Kung may tampo si Diego, sa palagay naman kaya niya ay walang sama ng loob sa kanya si Cesar?
Marami rin ang nagtataka kung bakit hindi Montano ang ginamit na screen surname ni Diego at sa halip ay Loyzaga ang ginamit nito.
Tiyak na may matinding dahilan, Salve A.!
Sam nirespeto si Piolo
Malaki ang respeto ni Sam Milby sa kaibigan niyang si Piolo Pascual at sa pagkakaibigan nila ni KC kaya hindi siya nag-atim na ligawan ang panganay ni Sharon Cuneta.
Samantala, marami ang kinikilig kahit sa movie trailer ng Forever and a Day na idinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema na palabas pa rin sa mga sinehan hanggang ngayon.
Personal…
Belated birthday greetings kay Kaname Shikata last June 6 at kay Pinky Webb last June 11.
- Latest