Vocal sa pagkukuwento ang isang aktres na nagkamali siya sa kanyang desisyon na bumili ng malaking bahay dahil hindi naman natuloy ang plano ng nanay niya na umuwi ng Pilipinas.
Ang nangyari, nahirapan ang aktres sa pagbabayad ng monthly amortization kaya naubos ang kanyang savings.
Nagkataon pa na hindi siya nabigyan ng mga regular TV show. Ang ending, naubos ang datung ng aktres pero dahan-dahan na siya na nakaka-recover dahil sa bagong TV show na tinanggap niya.
May aral na matututunan sa karanasan ng aktres. Mag-ipon muna ng pera bago bumili ng mga ari-arian dahil walang katiyakan ang work sa showbiz.
Kapag nakaipon kayo ng pera, puwedeng-puwede ninyong bayaran ng cash ang bahay na binibili. Wala nang dahilan para mamroblema sa monthly amortization.
Miss USA na makakalaban ni Supsup, matalino at maganda rin!
Beauty and brains si Alyssa Campanella, ang newly-crowned Miss USA.
Twenty-one years old si Alyssa at siya ang representative ng Amerika sa Miss Universe na gaganapin sa September 12 sa Sao Paolo, Brazil.
Isa si Alyssa sa makakalaban ni Shamcey Supsup sa Miss Universe crown. Si Shamcey ang reigning Bb. Pilipinas-Universe at beauty and brains din siya tulad ni Alyssa.
Dapat paghandaan ni Shamcey ang paglaban niya sa Miss Universe. dahil matatalino at magaganda rin ang kanyang mga kakumpitensya. It’s a must na mahigitan niya ang pagrampa ni Venus Raj nang lumaban ito sa nasabing contest noong nakaraang taon.
Call center agent na pinatay ng ka-FB hindi natuto kay Ricky
Blessing in disguise na holiday kahapon or else, tiyak na buhul-buhol ang trapiko at stranded ang ating mga kababayan dahil sa walang tigil na. pagbuhos ng malakas na ulan.
Baha sa maraming lugar sa Metro Manila at dahil tinamad na lumabas ng bahay ang mga tao, maluwag ang mga kalsada.
Kasabay ng malakas na pag-ulan ang news tungkol sa pagpatay sa isang female call center agent sa bahay na nirerentahan nito sa Mandaluyong City. Ang lalake na nakilala niya sa Facebook ang hinihinala na pumatay sa poor call center agent.
I’m sure, noong nabubuhay pa siya, nabalitaan ng pobreng call center agent ang nangyari sa actor-director na si Ricky Rivero na seventeen times na sinaksak ni Hans Ivan Ruiz.
Nagkakilala rin sina Ricky at Hans dahil sa Facebook. Kung naging maingat ang call center agent, baka hindi niya naranasan ang bayolenteng pagkamatay sa kamay ng kanyang Facebook friend na enemy pala.
Masuwerte si Ricky dahil nakaligtas siya sa tangka na pagpatay sa kanya. Kung hindi bread knife ang ginamit ng suspect, possible na hindi nakaligtas ang actor-director.
Fake na Ricky Lo sa twitter, aktibo pa rin
Teka, hindi pa tumitigil ang fake na Ricky Lo sa Twitter dahil patuloy siya sa paggamit sa pangalan ng co-host ko sa Startalk.
Pinapanood ko noong Linggo ang Showbiz Central nang biglang i-flash ang fake Twitter account ni Papa Ricky na nagkomento tungkol sa break up nina John Pratts at Rachelle Ann Go.
Makapal din ang face ng pekeng Ricky Lo dahil buking na ang kanyang modus-operandi, sige pa rin siya sa pagpapanggap
Mismong si Papa Ricky na ang nagbigay ng babala sa lahat na wala siyang Twitter account kaya 2000 percent sure na peke ang tao na gumagamit ng rickylo_xclusv na Twitter account.