Enteng... liyamado

Hindi napili para mapasama sa walong kalahok para sa Metro Manila Film Festival 2011 (MMFF) ang pelikulang Love Will Lead You Back, unang pagtatambalan sana nina Judy Ann Santos at Coco Martin. Sayang dahil Actor of the Decade si Coco, talent and career-wise, at si Juday naman ay hinihintay na ng marami ang pagbabalik. Baka naman naging malaking hadlang sa hindi pagkakapili ng pelikula nila ang pangyayaring meron pa ring isang entry si Juday na magtatambal naman sa kanila ni Ryan Agoncillo.

Of the eight entries liyamado ang Enteng ng Ina Mo ng ABS-CBN Film Production, M-Zet TV Production, APT Production, at OctoArts Films, at nagtatampok kina Vic Sotto at AiAi delas Alas. Ipagpareha mo ba naman ang dalawang box-office royalty, paano ka sasablay?

Maganda rin at nagbabadya ng malakas na laban ang Panday 2 ni Sen. Bong Revilla, Jr. katambal si Bossing Vic Sotto sa pagiging Box-Office King ng nakaraang taon on the strength of their film together, Si Enteng Kabisote at Si Agimat.

Another familiar entry is Shake, Rattle and Roll ng Regal Entertainment, Inc. na nasa ika-13th series na. May dalawa pang entry ang kumpanya ni Mother Lily Monteverde, ang Ho To Tai, isang joint venture with SM Development Corporation at Yesterday, Today and Tomorrow na ka-partner naman nila ang Studio 5. The other three entries are Mr. Wong ng RP Studios, My Househus­band ng OctoArts Films at Segunda Mano ng MJM Production.

Let us just hope na makuha ng MMFF ang tina-target nilang P600M at sana hindi malimita sa dadalawang pelikula lamang ang kumita.

SEXIEST MAN hinahanap

Naghahanap ang Binary Entertainment and Premiere Koncepts ng isang pinakaseksing lalaki na hindi lamang nagtataglay ng isang magandang pangangatawan, isang perfect figure na patunay sa kanyang pagiging advocate ng physical beauty and healthy lifestyle. Isang lalaking maituturing na sexy na hindi vanity personified kundi isang magandang pangangatawan na kuha sa magandang pangangalaga at disiplina.

Ikalawang taon na ito ng paghahanap ng grupo na sa kalipunan ng maraming nag-apply ay nakakuha ng 24 semi-finalists na ang mananalo ay pinili na kahapon sa isang bonggang pageant na ginanap sa Metro Bar at tinampukan ng maraming celebrities. The sexiest got P100,000 at one year membership with Gold’s Gym, trip to Hong Kong with two-night/three-day accommodation, sash, at trophy.

Ang 24 ay binubuo nina Herol Kim Avinante, Cabanatuan City; Whey Posas, QC; Louie Favila, Cainta, Rizal; Paulo Magnayon at Jeeroh Panes, Antipolo; Ian Almazan, Jr., Malolos, Bulacan; Richard Pangilinan at Ace Bautista, Angeles, Pampanga; Raymond Simon at Shaun Gabriel Tan, Sta. Rosa, Laguna; Jhay Ahr Sicat, Francis Arroyo at Junnix Yambot, Valenzuela; John Arsenio Erguiza, San Carlos, Pangasinan; Mark Anthony Hotches, Olongapo; Arjhem Hansen, Dinalupihan, Bataan; Michael Mebana, Cagayan; James Oriel Malon­zo, Quezon; Haime Felix, Tarlac; Rommel Torres, Cabanatuan; Raymond Villegas, San Jose; Gabriel Angelo Baldon, Las Piñas; at John Emmanuel Cruz.

Followers kinikilig sa panliligaw kay Michelle ng football player

Uso na pala talaga ang ligawan sa Internet. Si Michelle Madrigal ay sa Internet din nililigawan ng Philippine Azkals player na si Neil Etheridge. Ito ay nawi-witness ng sambayanan sa buong Pilipinas at nagbibigay kilig sa marami. At the same time, hinahangaan nila ang manlalaro na hindi nito itinatago ang paghanga niya sa artista at ibinabahagi sa kanila ang panliligaw niya sa aktres.

Inamin ni Michelle na lumalabas sila ni Neil pero hindi sila lang, may mga kasama sila. Pero saan ba nagsisimula ang maraming matagumpay na relasyon kundi sa pagkakaibigan muna? Ang friendship ang pinakamagandang pundasyon ng isang relasyon, romantic man o platonic.

Show comments