Nasa genes na ang pagkaluka-luka, aktres 'di na rin natiis ng asawang nakipaghiwalay

MANILA, Philippines - Depresyon ang sinasabing dahilan kung bakit nagluluka-lukahan ang not so young actress. Pero ayaw maniwala ng ilang taga-showbiz na kawalan ng project ang dahilan ng pagi­ging depressed nito. Nasa genes na nito ang kabaliwan!

Kilala na kasi ang aktres na ito sa pagiging sinungaling noon pa man. Ang galing-galing din niyang paikutin sa palad ang mga taga-showbiz na nakakausap niya. Tsika nga ng isang reporter, nang hindi nakadalo ang ak­tres sa birthday party nito, pinanga­kuan siyang ipagluluto ng pagkain.

Hindi naman sineryoso ng reporter ang promise ng aktres. Alam niyang hindi tototohanin ng aktres ang sinabi. Kilala kasi niyang ma­pag­kunwari talaga ito. Nagulat na lang ang reporter nang may makarating sa kanyang sabi ng aktres ay ipinagluto siya ng pagkain bilang regalo!

Nawindang ang reporter dahil hindi na nga duma­ting ’yung pangako ng aktres, lumabas pang meron siyang utang na loob dahil ipinagluto siya! Kaya naman ang obserbasyon ng taga-showbiz sa luka-lukang aktres, malamang na totoong hiwalay na ito sa showbiz husband niya. Maging ang asawa, hindi kinaya ang kabaliwan nito, so, once matapos ang mga commitments, sasabog ang balitang hiwalay na ang dalawa!

Carla takot mag-disappear sa showbiz

Napag-uusapan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann ang tungkol sa mga bata at anak. Pero itinanggi ng bida sa Magic Palayok na napag-uusapan na nila ang kasal. “Hindi namin napag-uusapan ’yon. Wala pa rin kaming balak. Kung ako ang tatanungin mo, hindi pa ako ready talaga. Ayoko pa. When I was younger, madaling isipin na, ‘Ay gusto ko 26 na ako ikakasal.’ Pero ngayong malapit ka

na sa edad na ’yun parang ayaw mo na,” natatawang sabi ni Carla nang makausap namin sa taping.

Unang dahilan ni Carla kaya wala pa sa isip ang pag-aasawa ay ayaw niyang maudlot ang magandang takbo ng kanyang career.

 “Siyempre ’pag nag-asawa ka na, mag-iiba na ang priorities mo. May pamilya ka na kasi,” rason niya. “Kapag nagpakasal ang isang taga-showbiz, nawawala ng konti. O nawawala sandali ’tapos, babalik uli. Ayoko ng ganoon. Ayoko munang

ma­wala. Ayoko munang mag-disappear!”

Ikinakatakot din ng aktres na kapag may family na ay magti-turn down na ng ibang offer.

Sundot niya, “Ayoko pa!” After ng fanta­sy TV series, expected na ni Carla na muli silang maghihiwalay ng boyfriend niya.

24 Sexiest Men ipinakilala

Pinainit ang 24 finalists ng Sexiest Man in the City ang entertainment press nang humarap sila sa launching nila sa The Lounge nung maulang Sa­bado ng hapon. Iba’t ibang korte kasi ng “bukol” ang tumambad sa kanila nang rumampa

na sila sa kanilang sexy wear.

Mula sa Binary Entertainment at Premier Kon­cepts ang search na ito kung saan ang grand winner ay mag-uuwi ng P100,000 in cash, membership sa Gold’s Gym, trip to Hong Kong, at trophy. P40,000 ang take home ng 1st runner-up

at P20,000 sa 2nd.

Gagawin ang show sa July 19 sa Metro Bar at host sina John Lapus at Tin Tin Caballero. Guest performers sina Gerald Santos at Paulo Avelino pati na ang Raging Divas at SNAP Dancers.                             

Show comments