Sumumpa, Rhian 'never ever' makikipagbalikan kay Mo!

Gandang-ganda ako kay Rhian Ramos nang mag-guest siya sa Startalk noong Sabado. Walang makeup at naka-tsinelas lang si Rhian nang sumaglit sila ni Congressman Manny Pacquiao sa studio ng Saturday talk show para i-promote ang kanilang bagong show, ang Manny Many Many Prizes.

May pictorial ang cast sa kabilang studio ng GMA Network Center kaya nagpaunlak sila sa request na mag-drop by sa aming show.

Off-cam, tinanong namin ni Ricky Lo si Rhian tungkol sa tsismis na nagkabalikan sila ng kanyang ex-boyfriend na si Mo Twister.

 “Never ever” ang mabilis na sagot ni Rhian at with full conviction ’yon ha? Kung paniniwalaan ko ang mariin na sagot ni Rhian, true ang kanyang sinabi na hindi sila nag-reconcile ni DJ Mo.

Ewan ko lang kung kokontrahin ni DJ Mo ang “never ever” dialogue ng babae na minahal niya ng husto.

Libreng house and lot maning-mani kay Manny!

Ipinagmalaki sa akin ni Manny na house and lot ang ipamimigay ng kanyang game show sa mga lucky contestants.

House and lot? Hindi na ako nagtaka nang ma-sight ko noong Sabado sa GMA Network Center si Congressman Mark Villar, ang anak ng aking favorite senator na si Manny Villar.

May kutob ako na manggagaling sa kompanya nina Papa Manny V. at Mark ang lupa’t bahay na ipamimigay ng Pambansang Kamao kaya nag-request ito ng meeting.

Umalis kahapon si Manny at ang kanyang buong pamilya. Sinamantala nila ang school vacation ng mga bagets na nag-aaral sa isang international school sa Laguna. Lumipad sa Portland, Oregon ang Pacquiao family para sa annual school vacation ng mga bagets.

Sure ako na dadalaw si Manny sa headquarters ng Nike sa Portland dahil endorser siya ng sikat na sportswear company.

Hindi na puwedeng ipagpaliban ang meeting nila ni Rep. Mark dahil kapos na si Manny sa oras.

Paolo, Hawi Boy na ni Pacman

Very close kay Manny Pacquiao si Paolo Contis kaya kasama ito sa mga shows ng Pambansang Kamao.

Naging close ang dalawa sa set ng Show Me Da Manny at magkasama uli sila sa Manny Many Many Prizes.

Hawi Boy na nga ang tawag kay Paolo dahil kung nasaan si Manny, nandoon din siya. Sa totoo lang, bilib na bilib ako sa kabaitan ni Manny dahil napaka-generous nito. Hindi niya pinababayaan ang mga tao na madalas kasama at ang mga tao na nakilala noong hindi pa siya boxing superstar.

Patuloy ang pagdating kay Manny ng suwerte dahil marunong siya na mag-share ng blessings. Hindi siya maramot.

Oyo nakikisabay sa paglilihi ni Kristine

May adopted son sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa kaya kung sila ang tatanungin, baby girl ang gusto nila na maging panganay.

Hindi pa halata ang ipinagbubuntis ni Kristine pero excited na excited na si Oyo na makita na lumolobo na ang tiyan ng kanyang misis.

Masuwerte ang magiging anak nina Kristine at Oyo dahil nakakatiyak ang coming soon na bagets na mamahalin siya ng kanyang mga magulang.

Gaya ng ibang naglilihi, mahilig si Kristine na kumain ng maaasim at sumasabay sa kanyang paglilihi si Oyo na napapadalas ang paghahanap ng mga maaalat at matatamis na pagkain.

Show comments