All Star Salute sa ASAP rocks

MANILA, Philippines - Isang engrandeng all-star salute ang ihahandog ng ASAP Rocks para sa pinaka-dakilang bayani ng ating bansa. Magbibigay-pugay ang mga ASAP kapamilya para sa pagdiriwang ng ika-150 taon ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal. Pangungunahan nina Piolo Pascual, KC Concepcion, Sam Milby, Billy Crawford, Kim Chiu at Toni Gonzaga ang selebrasyon.

Natatanging pagtatanghal naman mula sa mga Filipino pride na sina Jed Madela, Angeline Quinto, Vice Ganda, Tutti, Jugs, Ney, Raymund Marasigan, ASAP Sessionistas, ASAP Champions, Starpower 4, Pilipinas Got Talent’s Rico the Magician/Skeights Band, Team Pilipinas Cheerdancers at Philippine All Stars.

Sasaluduhan nina Gary Valenciano, Zaijan Ja­ranilla at Xyriel Manabat ang lahat ng mga Ama para sa pagdiriwang ng Father’s Day.

Babandera naman sa sayawan sina Enchong Dee, Sam Concepcion, Empress, Jessy Mendiola, PBB Teens - Bret, Fretzie, James, Devon, Tricia, Ivan, Supahdance All Stars, ASAP Supah Four - POD, Move Management, Camper’s Champs, KISS mula sa Mandaluyong at birthday boy Ryan Bang.

Saludo ang ASAP Rocks sa talento ng mga Pilipino. Saksihan ngayong linggo, ika-12:00 ng tanghali. Para sa karagdagang detalye, litrato at upang makasama ng live ang mga kapamilya stars sa ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/.

Show comments