Walong pelikula ng MMFF napili na
MANILA, Philippines - Napili na ng Metropolitan Manila Development Authority, ang nagpapatakbo ng Metro Manila Film Festival ang walong pelikulang opisyal na kasali sa gaganaping piyesta ng pelikula ngayong 2011. Mga outline lang ng mga nasabing gagawing pelikula ang hawak ng MMDA.
Enteng ng Ina Mo, starring Vic Sotto and Ai Ai delas Alas – ABS-CBN Productions and M-Zet Productions na si Tony Y. Reyes ang director.
Sumunod ang Hototay, starring John Lapus, Ruffa Gutierrez, Andi Eigenmann, Lovi Poe, and Melai Cantiveros - Regal Films and SMDC – si Joel Lamangan ang director.
Pasok din ang Mr. Wong, starring Robin Padilla and Angelica Panganiban sa ilalim ng RP Productions at ididirek nina Tina Dayrit and Rechie del Carmen para sa film production ni Robin.
Sigurado naman ang pagbabalik pelikula ni Judy Ann Santos sa My Househusband ka-partner ang asawa niyang Ryan Agoncillo para sa OctoArts Films at ididirek ni Jose Javier Reyes.
Siyempre kasama rin sa listahan ang Panday 2, starring Bong Revilla, Phillip Salvador, Marian Rivera and Iza Calzado mula sa GMA Films and Imus Productions. Si Mac Alejandre naman ang director. Sinimulan na ang shooting ng pelikulang ito dahil madugo umano ang special effects na gagamitin nila.
Nang huling makausap namin si Dingdong Dantes, wala pa silang director para sa Segunda Mano ni Kris Aquino sa ilalim ng MJM Productions, pero pasok sila sa walo.
Ang Shake Rattle & Roll 13, starring Eugene Domingo, Paulo Avelino, Albie Casino, Maricar Reyes, Kathryn Bernardo – directors sina Chris Martinez, Richard Somes and Jerrold Tarog ang pelikulang solo ng Regal Films. Panghuli ang Yesterday, Today and Tomorrow, starring Dennis Trillo, Heart Evangelista, Carla Abellana, and Ritz Azul sa ilalim ng Regal Films and Studio 5.
Mismong ang Regal ang nag-announce sa kanilang twitter account na tatlo ang pelikulang kasali nila sa walong napili. Ang dalawa – Hototay ay co-prod nila ang SMDC at sa Yesterday… kasosyo naman nila ang Studio 5. “We are happy to announce that three movies from Regal Films were selected as entries to this year’s Metro Manila FilmFest :),” ayon sa Twitter account ng nasabing film outfit.
Sampu lang ang pinagpilian kaya dalawa lang ang nalaglag sa listahan – ang Kingpin : The Asiong Salonga Story starring ER Ejercito at ang Love Will Lead You Back nina Judy Ann Santos and Coco Martin.
Apo ni Vic Silayan alaga na ni Mother
Speaking of Regal Films, may bagong alaga si Mother Lily Monteverde. Yup, the other night ay pinapirma niya ng movie contract sa kanyang kumpanya ang apo ng beterano at award winning actor na si Vic Silayan, si Victor Silayan. Yup, nananalaytay sa katawan ni Victor ang dugong artista na nang unang makita ng Regal matriach ay nag-dialogue ng : “We have a new star! May pinagmanahan sa pag-arte, educated at malakas ang karisma,” say niya na sa pagdiskubre na ng mga artista nagkaedad kaya alam na natin na totoo ang kanyang nararamdaman.
Twenty years old pa lang si Victor at 3rd year college sa La Salle. Economics and Applied Corporate Management ang kinukuha niyang kurso.
Actually, malamang naalala natin si Victor. Ilang beses na kasi siyang nagkaroon ng commercial. At isa sa pinagbidahan niya ang pancit chowmien. Siya pala ‘yung lalaking nagku-kung fu doon.
Nakagawa na rin siya ng commercial para sa Stresstab at Smart para sa Department of Tourism.
Ay bago nga pala siya pumirma ng kontrata sa Regal Films, kakapirma rin niya ng exclusive contract sa TV5 na napabilib sa kanya dahil kahit wala siyang karanasan sa aktingan, nagpakitang gilas agad siya.
Sa mga artista ng TV5, si Jasmine Smith ang gusto niyang makatrabaho.
Game sa kahit anong role si Victor. Except sa masyadong sexy at halikan sa kapwa lalaki.
Sa ngayon ay wala pang project sa Regal si Victor pero hinahanapan na siya ng proyektong babagay sa kanya.
Abangan natin ang career ni Victor. Promising ang hitsura at may katangkaran – 5’10”.
Pagkanta sa cabaret ni Lea pinuri sa NYT
Ang bongga ni Lea Salonga. Pinuri lang naman ang kanyang performance sa Café Carlyle sa The New York Times.
Galing na galing ang writer ng NYT kay Lea.
Heto ang isang part ng article na sinulat ni Stephen Holden at published sa NYT last June 15 :
“Ms. Salonga’s bright, metallically edged voice is a shiny all-purpose instrument that confidently establishes its dominion over whatever musical setting surrounds it. Because her accompaniment consists of only piano (Larry Yurman), bass (John Miller) and guitar (Jack Cavari), she isn’t required to belt, which is all to the good in an intimate cabaret setting. And Mr. Yurman’s delicate arrangements provided sensitive support.”
- Latest