MANILA, Philippines - Imbitado si Wilma V. Galvante, ang GMA Network senior vice president for entertainment TV, para maging isa sa mga speakers sa malaking pagtitipon ng Broadcast Asia Conference 2011 sa June 22-24 sa Suntec, Singapore.
Ang Kapuso executive lang ang nag-iisang Pinoy na napiling makiisa sa panel ng mga television professionals na mula sa buong mundo para makapagsalita ukol sa makabagong teknolohiya sa broadcasting at pati na rin sa pagbabago ng film, TV, at digital multimedia. Dadaluhan ang naturang conference ng 80 international speakers from 43 countries kabilang ang Belgium, France, Germany, Italy, Spain, at UK.
Makakasama ni Ms. Galvante sa naturang conference ang Endemol Worldwide brands director na si Gerald Smith, Touchsky president Park In-Taek, at ang managing director ng The Moving Visuals Co., si Khim Loh.
Mangunguna rin sa diskusyon bilang main speaker sa creativity and excellence in TV programming sa June 23 si Ms. Galvante.