GMA Network, Inc., panalo ng Gold Award sa pagpapatupad ng Corporate Governance
MANILA, Philippines - Nagwagi ang GMA Network, Inc. (GMA) ng Gold Award mula sa Institute of Corporate Directors (ICD) sa pagtatala ng 96.8% na average sa 2010 Corporate Governance Scorecard. Inihandog ang parangal sa 8th Annual Dinner ng ICD na ginanap sa Rigodon Ballroom ng The Peninsula Manila.
Bilang isang Publicly Listed Company (PLC), isinusulong ng GMA ang accountability (pananagutan), transparency (pagiging tapat) at integrity (integridad) na litaw sa mga pangkorporasyong pagpapahalaga nito.
“The award is a testament of GMA’s strict adherence to the standards of Corporate Governance. As a media organization that believes in Serbisyong Totoo, the recognition further strengthens our belief that day to day operations in broadcast should be bound by virtues of integrity and transparency,” ani GMA VP for Investor Relations Ari Chio.
Ito ang ikalawang parangal ng GMA mula sa ICD matapos makuha ang Silver Award noong nakaraang taon. Nagawang isulong ng kumpanya ang antas ng pagsunod nito sa mga probisyon ng Good Corporate Governance sa pagkakapanalo Gold Award ngayong taon.
Ang ICD ay binubuo ng individual corporate directors at reputational agents na panig sa propesyonal na pagsunod sa corporate dictatorship sa Pilipinas na alinsunod sa global principles ng modern Corporate Governance.
- Latest