^

PSN Showbiz

Tsinuging 'Loser' contestant itutuloy ang workout at diet sa bahay

-

MANILA, Philippines -  Tinimbang na ang14 contestants ng The Biggest Loser Pinoy Edition kamakailan matapos ang matitinding weight loss training at pagdidiyeta sa loob ng tatlong linggo.

Ang Biggest Loser sa Week 1 ay si Larry ng Blue Team. Mula sa 255 lbs. ay 229 lbs. na lang siya, 26 lbs. ang nabawas.

Si Hazel naman ang pinakamaliit ang nabawas na timbang, eight 8 lbs. lang

Ang Red Team, na talo sa weigh-in, ay binoto na maalis si Destiny.

Ayon sa kauna-unahang eliminated contestant sa The Biggest Loser, nagsisisi siya na hindi niya nai-share sa teammates ang nararamdaman matapos marinig ang mga komento ng mga kasama sa pagkakaroon niya ng injured foot.

Sinabi rin ni Destiny ang pinakamahirap niyang pinagdaanan, “When I had an accident, ’yung hindi ako nakapag-exercise ng todo for myself and for my team.”

Pero pangako ng natsugi, ipagpapatuloy pa rin niya ang natutunan sa loob ng camp. “Magwo-workout pa rin at magda-diet,” sabi ng contestant mula sa Cebu.

Noong una siyang timbangin ay may bigat siyang 221lbs. Ang huli niyang timbang bago lumabas, 211lbs.   

vuukle comment

ANG BIGGEST LOSER

ANG RED TEAM

AYON

BIGGEST LOSER

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

BLUE TEAM

CEBU

MAGWO

SI HAZEL

WHEN I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with