Indian giver pala itong host ng Wil Time Big Time. Binabawi ang mga kotseng ibinigay niya sa mga dancers sa kanyang programa na sa kasamaang palad ay kailangang tanggalin niya sa trabaho for unprofessionalism.
Sana iwan na lang niya sa kanila ang kotse. Going away presents na lang sa kanila kungbaga. Can afford naman siya na gawin ito. I’m sure kapag ginawa niya ito ay makokonsensiya ang mga natanggal at magsisisi sa kasalanang ginawa nila sa kanya.
Ricky sinuwerte pa!
Masuwerte na ring matatawag ang dati kong anak sa That’s Entertainment na si Ricky Rivero dahil wala siyang fatal stab wound na tinanggap sa nanaksak sa kanya. Salamat sa Diyos at pagaling na siya.
Ngayon, lalong dapat silang mag-ingat sa mga taong hindi nila lubos na kilala. Huwag nilang bigyan ng kalayaan ang mga hindi nila gaanong kilala na maglabas-masok sa kanilang mga bahay.
Kung kinakailangan, puwede nila itong kausapin pero, sa labas na lamang ng bahay. Never invite them to your house. At huwag din kayong makikipagklita sa kanila sa lugar na walang tao. Matuto na kayo sa mga leksiyon na nakikita natin. Iisa lang ang buhay n’yo. Ingatan niyo itong mabuti.
Palayok masyadong corny ang extension
Nagulat pa ako nang malaman ko na si Joel Lamangan pala ang nagdidirek ng Magic Palayok. Maganda talaga ang serye, maganda ang takbo until nabigyan ito ng extension at ang istorya ay kung saan-saan na napunta dahil kinailangang maghanap ng gamot para kay Romnick Sarmenta. Napunta sa mundo ng gulay ang mga karakter na maski na ang mga batang kasama kong nanonood ay nakornihan na.
Mabuti na lang at sasandali lang ‘yun, agad bumalik sa normal ang istorya at nakabawi agad.
Ngayon patapos na ito at maraming bata ang nalulungkot dahil talagang maganda ang serye. Huwag na lang sana kayong gagawa ulit ng ganung klase ng ekstensiyon, o kung magi-extend man kayo, sana hindi ganun.