Talent manager at isang bossing ng network nagsagutan dahil sa aktres

MANILA, Philippines -  Bulung-bulungan na ngayon ang nangyaring matin­ding sagutan sa pagitan ng isang talent manager at isang top gun ng isang network.

Hangga’t maaari raw ay ayaw nang palakihin ang issue pero parang hindi nila mapipigilang mag-leak ang sagutan ng dalawang powerful women sa showbiz.

Nagsimula raw ang nasabing sagutan sa simpleng paninita ni talent manager sa top gun. Med­yo sumama raw kasi ang loob ni talent manager dahil hindi nabibigyan ng bida role ang alaga niya eh samantalang heto ang isang aktres na biglang nagbida.

Mahinahon naman nung una, pero naging mainitan daw ang pag-uusap hanggang umabot na sa isang matin­ding sagutan.

Kilalang magkakampi ang dalawa dati.

Ewan ko lang kung may gumawa na ng paraan para magkaayos sila.

Pero maiisip mo na bongga rin ang talent manager na ito ano. Imagine mas naisip niya ang kanyang mga alaga kesa sa pagkakaibigan nila ng bossing ng isang network.

Pasasaan ba’t mabubuking din natin kung sino sila at siguradong magkakaayos din ang dating magkaibigang ito.

Amy Austria umaarte na uli

Nag-taping na uli si Amy Austria para sa Minsan Lang Kita Iibigin kahapon.

Yup, balik-Kapamilya soap si Ms. Amy na ilang linggo ring namalagi sa hospital matapos magpatanggal ng bukol sa ovary.

Pero balitang tatapusin lang ni Amy ang nasabing programa. Tapos hindi na siya muna uli tatanggap ng trabaho.

Mga next week na raw mapapanood ang tini-taping ngayon ni Amy.

TV host iniisnab ang mga offer na endorsement

Marami palang tinanggihang offer na endorsement ang isang female TV host cum politician.

Ayon sa manager ni female TV host, naloloka siya minsan sa alaga dahil kahit milyones ang talent fee na offer, dedma raw ito.

Isa sa nag-offer ang isang facial center. Pero hindi pa rin daw kinagat ng TV host.

Natural na makinis ang balat ng TV host na ito at siguradong papatok siya kung pumayag lang maging endorser ng nasabing facial company. Kaso dedma nga ang TV host.

Baka naman kasi ang laki na ng TF niya sa prog­   rama kung saan kasama siya kaya balewala na sa kanya ang kikitain sa pagiging endorser.

Habang ang iba ay atat magkaroon ng endorser heto siya at iniisnab ang mga offer. Sosyal ha. (SVA)

Show comments