Kasalan tuwing Hunyo pag-uusapan

MANILA, Philippines -  Marami ang nagsasabing masuwerte raw kung ikaw ay ikakasal sa buwan ng Hunyo o ikaw ay tatawaging June Bride. At dahil buwan ng Hunyo ngayo’y tungkol sa kasalan at ikakasal ang mapapanood sa GMA News TV 11 show na Life and Style with Gandang Ricky Reyes sa Sabado alas-onse ng umaga.

Magiging panauhin ang ilang mga taong bihasa sa pagpaplano ng kasalan tulad nina Loi Villarama (wedding coordinator) at sina Lenney Maluya at Kenneth Uy (eksperto sa photography at video).

Tampok pa ang mga designer na sina Veluz Reyes, Edd Sy, Karina Canlas-Villaluz, Malou Veloso, Athena Yandoc, Letlet Veloso, Ivan dela Cruz at Jonathan Pagaduan. Ikukuwento nila ang kahalagahan ng bridal gown sa okasyon at ibibida ang pinakamahal at simple pero kayang-kaya ng bulsa ang halagang kanilang nagawa.

May nainterbyu rin tungkol sa kasabihang – “something new, something old, something borrowed at something blue” na dapat isuot ng babaing ikakasal.

Ang kampeon ng kadaraos pa lang na Fil-Hair Hair and Make Up Trends 2011 bridal make-up category na si Bong Acosta at mga parlorista ng mga Gandang Ricky Reyes Salon ay magdedemo ng mga ayos ng mukha at buhok na babagay sa mga bride.

Magbibigay ng pointer si Mader Ricky sa mga bride at may interbyu siya kay Ms. Camilla Kim na Mrs. Philippines-Universe 2009 at may-ari ng Blue Garden tungkol sa mga karaniwan at di pangkaraniwang theme at venue ng kasalan.

Show comments