MANILA, Philippines - Handang-handa na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa 27th Star Awards for Movies sa ika-21 ng Hunyo, 2011, sa New Performing Arts, Resorts World Manila, Pasay City.
Sumikat na tambalan ng mga artista ang sentro ng pagtatanghal.
Sina Boy Abunda, Toni Gonzaga at Gretchen Barretto ang mga pangunahing hosts.
Segment hosts sina Piolo Pascual-KC Concepcion, Kim Chiu-Gerald Anderson at Bea Alonzo-John Lloyd Cruz.
Pagkakalooban ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award si Christopher de Leon. Ang kapwa niya mahusay na aktor, si Tirso Cruz III, ang maghahandog ng tropeo. At ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta, na kapwa niya naging leading ladies sa maraming pelikula, ang magbibigay ng tribute.
Ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera ay ipagkakaloob sa Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde, at ang kanyang mga Regal Babies, tulad ni Snooky Serna, atbp, ang maghahandog ng tropeo.
Maghahandog ng musical number sina Erik Santos, Richard Poon, Erich Gonzales, atbp.
Magsisimula eksaktong ika-6:00 ng gabi ang pagtatanghal. Mapapanood ito sa ABS-CBN, sa ika-26 ng Hunyo, 2011, sa programang Sunday’s Best.