Mayamang ex-wife ng TV host at balikbayang aktor ayaw umamin sa relasyon pero lantaran na ang super PDA!

MANILA, Philippines - Hindi na puwedeng pagdudahan pa ang pagkakaroon ng relasyon ng isang balikbayang aktor at ang da­ting asawang non-showbiz ng isang TV host na hiwalay na. Kung saan-saan lugar at okasyon nakikita ang da­lawa na magkasama.

Wala pa namang kumpirmasyon o denial mula sa dalawa pero wika nga, action speaks louder than words! Eh hindi naman busy sa kanyang career ang baguhang aktor, kaya libre siyang makipaglambutsingan sa ex-wife ng TV host.

Ang latest na pinuntahan ng couple ay sa Palawan. Doon, wala silang pakialam kung makita man sila ng mga taong naglalambingan. Super PDA (public display of affection) ang drama nila! Tutal naman, pareho silang unattached, gagawin nila ang gusto nilang gawin!

Eh sa totoo lang, kahit hindi na mag-artista ang lalaki, kayang-kaya siyang buhayin ni babaeng super rich!

Angelu time out muna sa trabaho, dinugo sa taping!

Delikado pala ang pagbubuntis ngayon ni Angelu de Leon Rivera sa bago niyang asawa. Sa message na naka-post sa Facebook ni Angelu, nagkaroon siya ng spotting nitong nakaraang araw.

Kaya naman ang advice sa kanya ng doktor, bed rest at two days na siyang nakahiga hanggang kahapon. Waiting lang siya sa gagawing ultrasound sa baby niya sa tiyan and of course, super dasal din siya upang maging safe ang bago niyang magiging baby.

So, time out muna si Angelu sa taping niya ng Sisid upang magpahinga nang sa gayon ay hindi maapektuhan ang bago niyang baby.   

Show comments