Luis close na agad sa anak ni Jennylyn

Paano ba hindi mabilis na makukuha ni Luis Manzano ang loob ni Jennylyn Mercado kung ganyang sa ikli ng pagkakilala nila ay agad na niyang nakuha ang loob ng anak nitong si Alex Jazz? Ayon mismo sa Mommy Lydia ni Jennylyn, madalas dumalaw si Luis sa kanilang bahay. Maganda naman niyang tinatanggap ang binata dahil mabait at magalang ito. Pero kung siya ang masusunod ay ayaw muna niyang makipagrelasyon ang anak-anakan. Ipahinga muna nito ang kanyang puso dahil parang hindi ito masuwerte sa mga nakakarelasyon niya.

Good advice at sana sundin ni Jennylyn.

Matteo malamang maagawan ni Coco

Dapat lang maging alert si Matteo Guidicelli kasi kung hindi, baka maagawan pa siya ni Coco Martin. O kung hindi pa sila ni Maja Salvador, baka mabaling pa ang atensiyon ng bata at maga­ling na aktres sa kanyang kapareha sa Minsan Lang Kita iibigin. Bentahe kasi ni Coco ang mas madalas nilang pagsasama ni Maja sa taping ng kanilang serye, samantalang kailangang makuntento ni Matteo sa pagdalaw-dalaw sa bahay nito na kadalasan ay hindi mangyari dahil palaging nasa trabaho si Maja.

Kapag nagkataon, lagot si Matteo! Lalo’t libre at walang sabit ngayon si Coco!

Muriel Orais magpo-promote ng Underground River para mapasama sa 7 wonders of the world

Kung nakapanood lang kayo ng nakaraang Miss Earth Philippines beauty pageant, I’m sure you would have rooted for Cebu’s representative to the said pageant — si Muriel Orais, a 19-year-old nursing student.

I’m sure walang tututol kapag sinabi kong siya ang pinakamagandang kalahok sa nasabing paligsahan ng pagandahan. Hindi niya makukuha ang mga special awards for Miss Photogenic, Best in Amazon Wear, 1st runner-up in Long Gown, Best in Casual Wear, Gandang Ricky Reyes, Miss Globe, Miss Ever Bilena, Miss Resorts World, at kung anu-ano pang karangalan kung plain jane siya. Hindi rin siya magi­ging crowd’s favorite kung chaka (pangit) siya. Hindi lang niya marahil nakuha ang korona dahil sa limang finalists, siya lamang ang pumabor sa paggamit ng nuclear power plants na noon ko lang nalaman ay may malaking tulong pala sa kalikasan.  At kahit nagawa niyang bigyan ng justice ang kanyang naging sagot, she ended up first runner-up.

Ang maganda sa Cebuana ay wala siyang pang­hihinayang sa kinahantungan ng kanyang pag­sali sa Miss Earth Philippines.  

“Alam ko maganda ang chances niya dahil talagang talented siya at maganda rin. Pero I thought Miss East Coast stood a good chance, pero hanggang sa 10 semifinalists lamang siya umabot,” may panghihinayang na nasabi ng magandang Cebuana na nakausap ko sa isang celebratory dinner hosted by the Psalmstre Enterprises, Inc. big boss, Jim Acosta, na siyang unang nakadiskubre kay Muriel nang manalo ito bilang Miss Olive C nung October 2010 sa isang nationwide search na itinaguyod ng Psalmstre.

Kasama ni Muriel ang apat niyang kapwa nanalo sa Miss Earth Philippines na babalik ng Palawan para sa ilang promotional activites ng Puerto Prinsesa Underground River na official entry ng ating bansa sa 7 Wonders of the World. Nagprisinta rin siyang samahan si Athena Imperial, ang kinoronahang Miss Earth Philippines sa Miss Earth International na gaganapin sa Thailand soon.

She has temporarily stopped her nursing course para magampanan niya ang kanyang commitments sa Carousel Productions.

Sam at KC ipinagdamot sa interview

Marami akong nakakuwentuhang press na nagsabing iniwas na ipakausap sa kanila ng Star Cinema sina KC Concepcion at Sam Milby sa presscon ng pelikula nilang Forever and a Day. Eh sabi ko, bakit pa sila ipina-presscon kung ipagdadamot din pala sila? Dagdag ko rin na baka feel nila ay ‘di na kailangan ng promo ng nasabing movie dahil maganda na ang trailer nito.

Sana nga pero huwag silang kasisiguro, kailangang-kailangan nila ng promo, lalo’t bago ang tambalan na makikita sa pelikula. Even the most beautiful film needs to be promoted. At saka huwag ganun, nagtampo ang press dahil hinintay nila ng dalawang oras ang mga artista ng pelikula, tapos ‘di rin pala ipakakausap.

Show comments