Carl Guevarra ginugulo ng ex ni Iwa

PIK : Tuwang-tuwa ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine Espiritu dahil marami ang dumalo sa binyag ng kanilang anak na si Alexandra Milan.

Bininyagan ito sa Christ the King nung nakaraang Sabado at ilan sa mga taga-showbiz na tumayong ninong at ninang ay sina Cong. Lucy Torres-Gomez, Paolo Contis, at Diana Zubiri.

Gusto sanang sumaglit si Dingdong Dantes na isa sa mga ninong pero mahuhuli na siya sa flight pa-Hong Kong.

Ilan sa mga executives ng ABS-CBN 2, GMA 7, at TV 5 ang tumayong ninang dahil naging malapit din sila kay Alfred.

Present din ang dalawang cute na bagets na katrabaho ni Alfred na sina Mutya at Chabita.

PAK: Pagkabalik ng Amerika ng mommy ni Steff Prescott, saka ito nagpa-pictorial para sa cover ng FHM.

Twenty years old pa lang si Steff kaya nabigla ang mommy nito pati ang ilang malalapit na kamag-anak nang nalaman nilang nag-pose na ito sa FHM.

Pero tingin naman ng young actress, tama lang ang pag-pose niya ng ganun ka-sexy sa mag dahil tingin niya ay tamang panahon na para magpakita siya ng kakaiba.

Hindi naman siya nagrerebelde sa mommy niya dahil sinusunod pa rin niya ang mga utos nito.

Ewan ko lang kung sinunod din niya ang kanyang ina na lumayo sa isang mayamang pulitikong nanliligaw sa kanya.

BOOM: Hindi pinayagan si Carl Guevarra na magsalita tungkol sa pagkaka-link niya kay Iwa Moto.

Ang latest na narinig namin, ito na ang madalas na nakaka-date ni Iwa na hindi siyempre nagustuhan ng ex-boyfriend na si Mickey Ablan.

Napabalitang nakipagsuntukan pa si Carl kay Mickey pero itinatanggi ito  ng manager niyang si Perry Lansigan.

Ang pagkakaalam lang namin, lumipat na lang si Carl ng gym dahil ginugulo siya roon ng ex ni Iwa at ng mga kagrupo nito.

Ilang beses naming tinawagan at tini-text si Mickey para klaruhin ang isyung ito, pero hindi ito sumasagot.

Show comments