Angelica at Erich may gag order!

Mukha talagang malalim ang naging hidwaan, away, at samaan ng loob nina Angelica Panga­niban at Erich Gonzales kung kaya may gag order sa kanila ang Star Magic para magsalita tungkol sa isyu na kinasangkutan nila at maging ng boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay.

Kung sabagay, mabuti na ito para hindi na luma­wig pa ang away nila at pumangit ang imahe nila sa publiko dahil lumalabas na nag-aaway sila dahil sa isang lalaki.

Anumang pangungulit ng press ay ayaw mag­salita ng dalawa, sa halip ay umiiwas silang magpa-interview na hindi na sana dapat dahil puwede namang hindi sila magsalita.

TV5 nagpakita ng magandang ehemplo

Maganda naman ’yung desisyon ng TV5 na hu­wag munang iere ang serye nilang Utol Kong Hoodlum, na TV remake ng isang movie ni Robin Padilla at tatampukan ni JC de Vera habang umeere pa sa ABS-CBN ang serye nitong Guns and Roses. Pagbibigay respeto nila ito sa aktor na siyang gu­manap na bida sa orihinal na pelikula.

Ang gandang desisyon at nakaka-touch dahil sa panahon ngayon na usung-uso ang tapatan at walang pakialam na labanan among our TV net­works, nagbigay ng magandang ehemplo ang Singko.

Christian lumaban sa aktingan

Gusto rin pala ni Christian Bautista na mag­karoon ng maraming acting assignments kahit sa TV o pelikula.

Bakit naman hindi, madaling maka-adjust ang isang theater actor na katulad niya. Kung sa ibang bansa nga, nare-recognize ang pag-arte niya. Bida siya sa isang pelikula na ginawa niya sa Singapore. Bakit hindi rito sa sarili niyang bansa?

Show comments