Sa presscon ng Sinner or Saint sinabi ni Dennis Trillo na kahit paano ay nasaktan din siya sa paghihiwalay nila ni Jennylyn Mercado at nagsisilbing therapy ang pagiging busy sa trabaho.
Nang una nitong mabasa ang afternoon drama series ay na-challenge agad ang aktor dahil mabigat ang mga eksena niya bilang si Raul.
“Kakaibang karakter ang gagampanan ko na naiiba sa mga nauna kong pagganap sa telebisyon. Gusto kong mag-focus ngayon sa trabaho at sa positibong bagay sa halip na maging negatibo. Nagpapasalamat ako dahil kahit naiintriga ay mas lalo pang dumami ang aking project,” sabi ni Dennis.
Tinanong ng mga reporters kung siya ba ay sinner or saint at bakit?
“Lahat naman tayo makasalanan ’di ba? Siguro mas sinner ako kesa bilang saint. Mabigat ang naging kasalanan ko lalo na nang magkaroon ako ng anak sa pagkabinata. Sobrang pinagsisihan ko ito at para makalimutan ang nagawa kong kasalanan, gusto kong maging mabuting ama sa aking anak,” dagdag pa ni Dennis.
* * *
Kung noon ay sumabak sa maiinit na halikan si Alessandra de Rossi this time ayaw na niyang tumanggap ng proyekto na may passionate kissing scenes.
“Binibigyan ko kasi ng halaga ang mga important values sa aking buhay. Siguro ilalaan ko na lang ang passionate kissing scenes sa aking magiging asawa,” anang aktres.
Tatlong taon niyang pinagtitripan na makasama uli si Dennis at natupad naman ito.
Gagampanan ni Alex ang papel ni Corrine sa Sinner or Saint na may lihim na motibo na kunwari’y nagmamalasakit kay Noemi, ang girlfriend ni Raul na nasa kulungan at magpapanggap na siya ay tulungang makalabas habang pinag-aaral ito ng abogasya.
Naiibang kuwento ang Sinner or Saint mula sa direksiyon ni Don Michael Perez at orihinal na konsepto ni RJ Nuevas.