Pari hindi pumayag sa live coverage sa binyag ng anak ni Alfred

Hindi natuloy ang live coverage kahapon ng Startalk sa binyag ni Alexan­dra Milan, ang panganay na anak nina QC Councilor Alfred Vargas at Yasmine Espiritu. Hindi kasi pumayag ang parish priest ng Christ the King Greenmeadows Church  sa live coverage kaya inihabol na lang sa studio ang mga eksena na kinunan sa simbahan. Mga ninong at ninang ng bagets sina Diana Zubiri, Congresswoman Lucy Torres-Gomez, Paolo Contis, at mga executives ng GMA 7 at ABS-CBN. Mga ninong at ninang din sina Marian Rivera at Dingdong Dantes pero hindi nakarating ang dalawa dahil may taping ang aktres para sa Amaya at may show naman sa Hong Kong ang aktor.

* * *

Sayang hindi kami nagkita kahapon ni Chabita sa reception ng binyag ni Alexandra Milan. Si Chabita ang kontrabida sa buhay ni Mutya at siya ang favorite ko sa cast ng nagwakas na TV series ng ABS-CBN. Hindi na ako pumunta sa reception kaya sayang first time pa naman sana naming magkikita.

* * *

Nagpunta rin sa binyag ng anak nina Alfred at Yasmine si Mutya. Nagulat ang mga bisita kay Mutya dahil napakaliit niya sa personal. Cute na cute si Mutya na naging close kay Alfred nang magkasama sila sa ser­yeng kapangalan niya.

Show comments