Kyla makikipagbiritan sa La Diva, may face off sa Party Pilipinas

MANILA, Philippines - Maghanda na para sa second half ng 2011 at sa temang Party Pilipinas Sulong!

Isang malaking music revolution ang pangako ng grupo ng Party Pilipinas ngayong Linggo.

Abangan ang death-defying stunt ni Glaiza de Castro ng live na live! Habang sina Kyla at La Diva ay may pabiritang face-off.

Ang Someday Dream ay magde-debut sa Kapuso Sunday show kasabay ng dalawang album — isang mula sa OPM legend at isang homegrown Kapuso na rock star rookie.

May “Sulong” performances din ang mainstays na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Mark Bautista, Julie Anne San Jose, at Elmo Magalona, P-Pop sensations XLR8 at Down to Mars, sexy stars Sam Pinto, Isabelle Daza, at Alessandra de Rossi.

Show comments