International movie ni Pacman sa 2012 pa ang showing

MANILA, Philippines - Wala pang title ang ginagawang pelikula pero hinihintay na ng fans sa buong mundo ang theatrical release ng feature film documentary ni WBO welterweight champion Rep. Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Ayon sa head docu na si Ryan Moore, humigit sa 500 oras ng footages ang nakunan sa Manila, General Santos City, Sarangani, Los Angeles, New York, Washington, D. C., Las Vegas at Dallas ang pagpipilian para sa final cut ng pelikulang pinamamahalaan ng Revelin Studios na naka-base sa Los Angeles.

‘I’ve been attached to the hip with Manny for almost a year now,” sabi ni Moore. “It’s a feature film documentary which will be released theatrically worldwide in 2012. It will give audiences an intimate look at Manny’s life and it’s Manny’s first international movie.”

Ang nasabing pelikula ay pinag-usapan sa kanyang naging laban noon kay Sugar Shane Mosley.

Sinimulan ang shooting nito noong Oktubre.

Dumayo pa sa General Santos City ang mga crew noon pang December para sa birthday celebration ni Pacman at ngayon   ay naninirahan sila sa isang suite sa isang condo sa The Fort.

Present din ang crew nang i-turn over ng Philippine Charity Sweeptakes sa boxing champion ang siyam na ambulansiya bilang kapalit ng kanyang libreng serbisyon bilang endorser ng nasabing ahensiya ng pamahalaan.

Pangako rin ng produ na maraming mabubunyag na lihim si Pacman sa pelikulang ito dahil na rin sa suporta ng mister ni Jinkee.

Sinabi rin ng writer na si Dave McNary na ang pelikula ay tututok sa pinagmulan niyang kahirapan, ang pagkakapanalo niya bilang kongresista, at ang plano niya sa kongreso na tutulong sa maraming mahihirap at kontrolin ang human trafficking sa bansa at sa ibang developing nations.

Si Leon Gast, isang New Jersey native na may pitong pelikula bilang producer, apat bilang editor at 12 bilang director, ang director ng pelikula ng buhay ni Pacman.

Pabalik-balik na raw ng bansa si Gast para diskubrehin ang pinanggalingan ni Pacman at mag-interview ng mga taong malalapit sa Pambansang Kamao.

Show comments