Kabanuan sa acting ni Ejay Falcon nasolusyunan ng workshop

Palipat-lipat ako ng channel kaya napapanood ko ang ilang bahagi ng Guns and Roses habang hinihintay ko ang pag-uumpisa ng Minsan Lang Kita Iibigin.

Kasali sa cast ng Guns and Roses si Ejay Falcon, ang alaga ng beautician na si Benjie Alipio.

Pinabilib ako ni Ejay sa mga eksena niya sa Guns and Roses dahil may depth na ang kanyang acting. Hindi katulad noong baguhan pa siya na talagang walang-wala siyang ibubuga sa pag-arte.

Nakatulong kay Ejay ang mga acting workshop na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN. Sa galing ngayon ni Ejay, walang mag-aakala na bano ang pag-arte niya noon. Mukha na rin siyang artista dahil kuminis na ang kanyang balat at nadagdagan ang self-confidence niya.

Hindi lang ako ang napahanga ni Ejay. Pati si Lorna Tolentino, napansin ang big improvement ng performance ng bagets actor.

Nakatrabaho noon ni LT si Ejay at makalipas ang maraming taon, nagkasama uli sila sa isang project. Kitang-kita ni LT ang malaking pagkakaiba ng before and after acting ni Ejay.

Kaya sa mga gustong magtagal sa showbiz industry, walang katapusan na acting workshop ang advice ko sa inyo. Walang mawawala kung mag-aaral kayong umarte dahil kayo rin ang makikinabang at pupurihin ng manonood. Hindi nagtatagal sa entertainment industry ang mga artista na bobo sa pag-arte at walang tiyaga sa kanilang chosen craft..

Joyce Jimenez walang problema sa asawa, pangalawang anak ebidensiya

Dalawa na pala ang anak ni Joyce Jimenez. Nainterbyu siya ni Papa Ricky Lo sa California at ipalalabas ngayong hapon sa Startalk ang exclusive interview sa kanya.

Ang second baby nila ng kanyang non-showbiz husband ang clear proof na hindi totoo ang mga tsismis na may marital problems si Joyce. Happily-married si Joyce at ang kanyang mister. ‘Yun lang!

Roy Alvarez napapanood ng sabay na oras sa GMA at ABS-CBN

Napapanood si Roy Alvarez sa dalawang primetime show, sa Amaya ng GMA 7 at Guns and Roses ng ABS-CBN.

 Hindi kasalanan ni Roy ang pagkakaroon niya ng mga teleserye sa magkalaban na network.

Nang i-alok sa kanya ang role sa Amaya, sinabi niya sa mga taga-Kapuso network na nag-taping siya noon para sa Guns and Roses pero hindi pa ito naipalalabas.

Walang problema sa GMA 7 kaya tinanggap ni Roy ang Amaya. Isang linggo matapos magsimula ang airing ng primetime show ni Marian Rivera, nag-umpisa naman ang telecast ng Guns and Roses.

Hindi na kontrolado ni Roy ang mga pangyayari. Ang importante, sinabi niya ang katotohanan.

TV5 walang makakapigil sa pag-arangkada

Matutuloy na ang mga regional show ng TV5 kaya matutuwa ang ating mga kababayan dahil makikita na nila ng personal ang mga artista ng Kapatid network.

Na-postpone noon ang show ng TV5 sa Cebu City pero ayon sa aking spy, pinaghahandaan na ng mga bossing ng Kapatid network ang pagbisita ng kanilang mga artista sa mga probinsya.

Kasali rin sa plano ang big launch ng TV5 International na mangyayari bago matapos ang 2011. I should know dahil very close kay Papa Manny Pangilinan ang nagkuwento sa akin. Wala na raw makakapigil sa pag-arangkada ng TV5.

Show comments