Aktres mamahaling gamit ang pambayad sa mga utang sa kaibigan

MANILA, Philippines -  Unti-unti nang nauubos ang pera ng kilalang aktres. Bukod kasi sa madalang na ang offer sa trabaho, mataas pa rin ang lifestyle nito.

Kaya upang masustentuhan ang kanyang luho, nanghihiram siya ng pera sa mga malalapit na kaibigan.

Pero kapag hindi nagagawang bayaran sa takdang oras ang inutang na pera, mga mamahalin niyang gamit ang ipinambabayad sa kaibigan.

Ayaw nga lang tanggapin ng mga kaibigan ang gamit dahil siyempre, mas feel pa rin nila na cash din ang ibayad sa inutang. (JN)

Show comments