Charice tapos na sa shooting kasama sina Salma Hayek at Kevin James

MANILA, Philippines -  Nag-tweet kahapon ang international singing sensation na si Charice. “Done with the movie!!! It was nice working with everybody! Kevin James, Salma Hayek, Henry Winkler, everybody! Now it’s party time. :].”

Here Comes The Boom ang title ng nasabing pelikula na balitang nakatakdang magkaroon ng commercial exhibition sa susunod na taon.

Hindi ito ang unang international film ni Charice. Nauna na siyang napanood sa Alvin and the Chipmunks : The Squeakquel.

Aktor na nagpapasaya sa isang aktres kilala palang mangungutang

Nagwi-wish ang mga kaibigan ng isang aktres na ‘wag naman sana siyang utangan ng kasalukuyan niyang apple of the eye na actor.

May reputasyon palang mangungutang ang aktor na ito.

Say ng isang source, malaki raw ang nautang ng aktor na ito sa dati niyang nakarelasyon na kinalimutan na lang daw nito nang maghiwalay sila ng dyowa niyang mas matanda sa kanya.

Ang wish ng mga kaibigan ng aktres, ‘wag naman sana siyang magpaloko sa matatamis na salita ng aktor dahil kilala itong magaling pagdating sa utangan.

May hanapbuhay naman si aktor pero magastos din daw kasi ito at malaki ang gastos dahil sa nirerentahang bahay at hulugang kotse.

LADY Gaga magpi-perform sa gay festival

Pumayag mag-perform sa isang major gay pride festival sa Rome si Lady Gaga ayon sa report ng Agence France-Presse.

Yup aapir siya sa Circus Maximus sa Sabado sa Roma, ang capital ng Italya.

“Following an invite by the committee, Lady Gaga has decided to take part in EuroPride, confirming her support for the LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender) community,” sabi sa report.

Kaka-deklara lang ni Lady Gaga bilang pinaka-powerful celebrity ng Forbes Magazine.

Ayon pa sa report ng AFP, very vocal si Lady Gaga sa advocate ng karapatan ng mga bakla.

Nabalita last year na nagpahayag siya tungkol sa “Don’t ask, don’t tell” policy sa US military tungkol sa mga gay servicemen and women na itago ang kanilang mga sexuality or tatanggalin sila sa serbisyo.

Matagal nang pinagtsitsismisan na Aphrodite sa tunay na buhay si Lady Gaga sa mga online forums at bakat daw ang lawit nito sa isa sa kanyang music video. (SVA)

Show comments