Pagpapa-cute ni Robin parang passe na!

SEEN: Passe na ang pagpapa-cute ni Robin Padilla kay Bea Alonzo sa promo ng Guns and Roses. Hindi na kinakagat ng mga tao ang ganoong drama dahil alam nila na kasal si Robin kay Mariel Rodriguez. Mas tamang i-promote na lang ang kanilang programa.

SCENE: Walang masyadong acting si AJ Dee sa Amaya. Mahihirapan si AJ na pantayan ang achievements ng kanyang kapatid na si Enchong Dee.

SEEN: Hindi lumabas si Marian Rivera sa Amaya noong Lunes. Ipinakita lamang siya sa mga eksena na dapat abangan.

SCENE: Patutunayan ni Bianca King na hindi nagkamali ang GMA 7 sa pagpili sa kanya bilang bida ng Sinner or Saint.

SEEN: Ang Hong Kong trip ni Jackie Rice at ng kanyang inililihim na non-showbiz boyfriend.

SCENE: Overrated director si Dante Nico Garcia dahil boring ang kanyang mga pelikula at TV show.

Nakatsamba lang si Dante Nico sa Ploning.

SEEN: Kulang sa respeto si Iwa Moto sa kanyang ina at step father. Marami ang na-turn off kay Iwa sa ugali na ipinakita niya nang maglaro sila ng kanyang pamilya sa Family Feud noong Lunes.

Hindi magandang role model ng mga kabataan si Iwa.

SCENE: “Nagulat” si Sen. Mar Roxas nang i-appoint siya ni P-Noy bilang DOTC Secretary.

Show comments