^

PSN Showbiz

Fans ni Sarah iniisa-isa ang panggagamit ng isang singer

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Imbiyerna ang mga fans ni Sarah Geronimo sa singer na inaakusahan nila na ginagamit sa publicity ang kanilang idol.

Hindi ko na papangalanan ang singer dahil baka lalong maimbudo ang mga tagahanga. Gusto nilang iparating sa concerned singer na hindi sila naniniwala sa kanyang pralala na hindi niya ginagamit ang Pop Princess para magkaroon siya ng libreng publicity.

Inisa-isa ng mga fans ni Sarah ang diumano’y panggagamit ng singer sa kanilang idol at base sa e-mail na ipinadala nila sa akin, may basehan sila para mag-react at maimbiyerna.

Opening ng Belo sa Glendale, tagumpay at bongga

Successful ang bonggang opening ng Belo Medical Clinic sa Glendale, California noong Lunes ng gabi (Tuesday morning dito sa Pilipinas).

Si Dr. Vicki Belo ang punong-abala sa pag-aasikaso sa mga bisita na nanggaling pa sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng US.

Hindi namataan ng aking spy si Charice na certified Belo endorser. Baka busy si Charice sa kanyang mga raket sa Amerika kaya hindi siya nakasaglit sa pagbubukas ng kauna-unahang clinic ni Mama Vicki sa Glendale, California.

‘Ipagdasal natin si Leah’

Unconscious pero nasa stable condition na si Leah Salterio, ang publicity director ng Belo Medical Clinic kaya walang dapat ipag-alala ang kanyang mga kaibigan.

Nagpunta si Leah sa Glendale noong Sabado para sa opening ng Belo Medical Clinic pero na-stroke siya noong Linggo.

Naka-confine si Leah sa Glendale Adventist Medical Center at under observation siya. Mabuti na lang, nandoon sa California sina Doktora Belo at Ricky Lo kaya sila ang nag-aasikaso kay Leah.

Hinihiling ko sa dear readers ng PSN na isama ninyo sa inyong mga dasal ang mabilis na paggaling ni Leah.

Fans ni Mark naiinip na

Naiinip na ang mga fans ni Mark Herras. Nagtatanong na sila kung kailan magsisimula ang TV series na pagbibidahan ni Mark at ng ibang mga artista ng Kapuso Network.

Walang dapat ika-worry ang mga tagahanga dahil tuloy na tuloy na ang kanilang danserye. Hindi lang ako sure kung papalitan ang title na Jump.

Babalitaan ko agad kayo tungkol sa mga pagbabago sa new show ni Mark at ng ibang Starstruck stars.

Alfred nag-renew ng contract kahit umaming may asawa’t anak na

Nagkita kami kahapon ni Alfred Vargas dahil nakipag-meeting kami sa mga bossing ng kanyang product endorsement.

Ni-renew ng mga executives ang kontrata ni Alfred. Naniniwala sila na effective endorser ang aking alaga, sa kabila ng kanyang pag-amin na may asawa na siya at magdadalawa na ang anak nila ng kanyang misis na si Yasmine.

Abala sina Alfred at Yasmine sa nalalapit na binyag ng kanilang anak na si Alexandra Milan. Sinisiguro ng mag-asawa na magiging memorable ang pagbibinyag sa bagets. Personal na tinatawagan ni Alfred ang mga ninong at ninang para i-remind ang binyagan na magaganap sa darating na Sabado at live na mapapanood sa Startalk.

vuukle comment

ALEXANDRA MILAN

ALFRED VARGAS

BELO

BELO MEDICAL CLINIC

CHARICE

DOKTORA BELO

DR. VICKI BELO

LEAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with