T5 First Five Tour itinataas ang bandila ng Pinoy rock
Manila, Philippines - Patuloy na itinataas ng T5 (Tanduay Rhum First Five) tour ang bandila ng Pinoy rock sa pamamagitan ng kanilang biggest nationwide concert tour sa 30 syudad sa bansa.
Ang dream team ng T5 ay nag-perform na sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas nitong Abril at Mayo at nakatakda pang maglibot sa maraming probinsiya sa mga darating na araw.
Ang T5 ay binubuo ng pinakasikat na rock icons ng bansa -- Parokya ni Edgar, Wolfgang, Sandwich, Kamikazee at Chicosci. Kasama ng T5 sa kanilang Mindanao kick-off sa Panobo at Davao City sa June 24 at 25 ang sponsors ng tour na No Fear apparel, Pony footwear at Cherry Mobile, the official mobile phone of the T5 First Five Tour.
Pinuri naman ng mga taga-music industry ang gestures ng T5 na mag-inspire ng bagong henerasyon ng musicians. Ayon kay Wally ng Juan de la Cruz band : “This tour will make rock alive and kicking! Kudos to the Tanduay folks. Rock bands need this more than ever now that we don’t have a 24-hour rock station anymore.”
Ayon naman kay Ethel Cachapero ng PolyEast Records : “The First Five tour as well as the annual Tanduay Rhum Rock Fest in October are important ways that not only keep rock exciting and accessible to a large audience -- but also develops more talent.”
“Tanduay Rhum First Five Tour really gives the industry a good jumpstart. It takes Pinoy rock to places where music fans of all ages and genres can experience it for themselves,” ayon naman kay Gladys Basinillo of MediaCom, project head ng the tour.
“This is the kind of support na hindi lang music business ang nangangailangan kundi maging ang buong entertainment industry,” paliwanag naman ni Vic Valenciano ng Sony-BMG Music.
“Masaya na ’yung dati, pero siyempre iba rin ang Wolfgang at Parokya,” wika ni Jay Contreras ng Kamikazee. “Dalawa sila sa mga haligi ng eksena eh, kaya siguradong mas magiging masaya ngayong taon. Kahit araw-araw mo silang panoorin, ’di ka magsasawa. Para silang kanin or tubig.”
- Latest