Mga artista ng isang network parating kakaba-kaba

Manila, Philippines - Kakaba-kaba ngayon ang mga artista ng isang network.

Kasi raw oras na malaman ng mga bossing na hindi nagri-rate ang programa nila, walang sabi-sabi, tsinutsugi.

Hindi lang daw maka-react ang mga tauhan, pero sinasamahan ng panalangin ang kanilang trabaho sa araw-araw na sana ay mag-rate ang mga programa nila para magtagal pa sila sa ere.

Pelikulang nagbigay ng career kina Maricel, Snooky, Gabby at William ipapalabas uli

May bagong alaga pala ang Regal Films. Pero hindi artista, isang grupo. Ang SOFIA. Yup, sila ang bagong baby ng Regal matriach na si Mother Lily Monteverde.

Ang grupo ang bagong tutulungan ng Regal Films bilang kampanya na rin para ma-retrieve at mag-restore ang mga nawawala at natitirang Filipino films at madala sa mga tamang lagayan bilang bahagi ng ating cultural heritage.

 Ang SOFIA (Society of Filipino Archivist for Film) na pinamumunuan ni Dr. Doy del Mundo ay isang grupo na nagre-restore at nagri-retrieve nga ng mga lumang pelikula na ipinalalabas nila sa Cultural Center of the Philippines.

At sa June 11, 2011, 6:00 p.m., magkakaroon sila ng kauna-unahang fund drive sa CCP. Sasabayan ang nasabing fund drive ng special screening ng teenage film classic na Summer Love ng Regal Films (dinirek ni Elwood Perez mula sa panulat ni Iskho Lopez).

Ang Summer Love ay isang patok na pelikula noong 80s na pinagmulan ng career ng tandem nina Gabby Concepcion-Snooky-William Martinez-Maricel Soriano.

Si Dr. Marti Magsanoc ang nanguna para i-restore ang pelikulang ito na sinulat nga ng kaibigang si Iskho Lopez.

Ang pelikula ay kinunan sa Taal, Batangas, Angeles, Pampanga, La Union, Baguio City at Manila.

Ngayon ay may sariling hotel na sa Batangas ang Regal produ kaya importante sa kanya ang Summer Love.

Walang bayad kung pina-plano niyang mapanood ang Summer Love sa Sabado pero tatanggap sila ng voluntarily contribution para nga sa mission ng SOFIA.

                                                                         

Show comments