Proud owner ng worth P2M Ducati motorcycle si Billy Crawford at ito ang gamit ng singer-TV host sa mga lakad niyang malalapit, gaya sa isang event ng Swatch. Mabuti at hindi siya pinagbawalan ng GF niyang si Nikki Gil na bumili ng motorsiklo.
Si Derek Ramsay daw kasi, kahit gustong magkaroon ng motorsiklo, pinagbawalan ng nobyang si Angelica Panganiban at in fairness, nakinig ang actor sa kanyang dyowa, kaya hanggang kotse muna siya.
Mikee balik-TV
Muling mapapanood si Mikee Cojuangco sa GMA 7. At ito’y sa bagong kids talent show ng network na kundi kami nagkakamali’y I Shine ang title.
Hindi lang kami sure kung permanent host na siya o guest lang, basta nag-taping na ito kasama si Paolo Contis.
Unang napanood si Mikee sa hit primetime soap na Magic Palayok sa role ni Isadora, ina ni Cookie (Angeline Nicole Sanoy) at lumalabas pa rin sa flashback paminsan-minsan ang kanyang karakter.
Kris parang liliparin ng hangin sa kapayatan
Ang press na nag-interview kay Kris Bernal sa taping ng Amazing Cooking Kids ang nabahala sa sobrang payat nito. Tumitimbang lang siya ng 90 lbs., at 23 inches ang waistline at biniro naming madadala siya ng hangin ‘pag tumapat sa bentilador.
Sabi naman nito, nagpapapayat talaga siya bilang paghahanda sa danseryeng Jump na pagtatambalan nila ni Mark Herras.
Kailangan daw niyang magpapayat dahil nakakahiya kung mabigat siya ‘pag binuhat sa dance number at ayaw niyang malaki ang tiyan ‘pag sumayaw.
“Two months na akong hindi kumakain ng rice, pero kailangan ko na yatang magpataba kahit five lbs., lang dahil mapapasabak ako sa taping. Marami naman akong kinakain at may meat pa rin sa diet ko at nagpapabusog ako sa ulam, pero walang rice. Ngayon, kakain na ako nang bonggang-bongga,” pangako nito.
Nagkatawanan nang tanungin si Kris kung natikman na ang ini-endorse na hotdog ni Aljur Abrenica. Akala nito kung anong hotdog ang tinutukoy ng press at nang malamang tunay na hotdog ang itinatanong, natawa kasunod ang comment na “ako pala ang masama ang iniisip.”
Yes, natikman na ni Kris ang hotdog ni Aljur dahil binigyan siya nito at manamis-namis daw ang lasa ng hotdog.
Artista ng Ho To Tai ‘Di pa puwedeng pangalanan
Co-producer ng Regal Films ang Studio 5, ang film company ng TV5, sa Ho To Tai na pagbabalik ng Mano Po series sa Metro Manila Film Festival.
Malaki ang casting ng movie kung hindi nabago at maeenggayo na ang tao na panoorin ito.
Hindi naman siguro magiging problema na karamihan sa nila-line-up na isama sa cast ng Ho To Tai ay GMA 7 exclusive talents at may ABS-CBN talent din? Sa Regal Films kasi may exclusive movie contract ang mga artistang hindi pa puwedeng pangalanan dahil hindi pa nakakausap.